27
JANUARY 2025
The One Big Story
Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ito ang tinutukoy ko nang sabihin ko sa inyo noong kasa-kasama pa ninyo ako; dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises at sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit.”
Lucas 24:44
Nahihirapan ka ba minsang intindihin ang Bible? Marami naman sa atin ang may mga kabisadong verses at pamilyar na mga kuwento. But did you know that the whole Bible has one big story?
Si Jesus mismo ang nagpaliwanag sa disciples Niya tungkol sa buong kwentong ito. Ginawa Niya ito para maintindihan nila ang lahat ng nangyayari sa Kanya. Sabi Niya na dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa Kanya sa Old Testament (v. 44b). Para bang ang isang napakahabang kuwento ay nagkaroon ng climax dahil kay Jesus. This long and big story is about how all the stories and teachings in the Bible lead to Him — from Genesis to the New Testament!
Lahat ng nababasa natin sa Bible ay may kinalaman kay Jesus — His birth, life of service, teachings, suffering until death, resurrection, and going to His Father in heaven. Sa ganitong pananaw, para kang naglalakbay mula sa isang bukal sa tuktok ng bundok hanggang sa napunta ka sa mga ilog at sapa. Pero ang dulo ng lahat ng dumadaloy na tubig ay sa iisang dagat!
These questions will help us when we read the Bible: May mga bagay ba dito na natupad sa pagdating ni Cristo? Kasama ba ‘to sa mga turo Niya na binigyang linaw Niya? Paano ba ito makakatulong sa pagkaunawa ko kay Jesus?
Si Jesus ang gabay natin sa pag-unawa ng Bible. He makes the whole Scriptures more meaningful for all of us.
LET’S PRAY
Lord, thank You for sending Jesus so that we can understand and know You more. May You empower us to live our lives according to Your Word.
APPLICATION
Basahin ang teachings ni Jesus na galing sa New Testament kagaya ng Mateo 5:21–26. Paano Niya ito ipinaliwanag at pinalalim pa? Write three action plans from this passage.
SHARE THIS QUOTE
