4
MARCH 2021
The Prayer of Jesus
Share with family and friends
Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin, at ako’y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin.
Juan 17:21
Ang Lord’s Prayer ang most well-known prayer ni Jesus. Perhaps hindi alam ng marami ang prayer ni Jesus sa Juan 17. Nang papalapit na ang araw ng Kanyang Crucifixion, Jesus prayed for all His disciples—’yung mga nakasama Niya in His earthly ministry, at yung mga tatanggap sa Kanyang Ebanghelyo—from that time to this day. If you are a disciple of Jesus, kasama ka sa mga ipinag-pray Niya sa Juan 17.
In this prayer, ipinanalangin ni Jesus ang pagkakaisa ng lahat ng followers Niya. Ibang klaseng pagkakaisa ang panalangin Niya para sa atin. It’s the divine connection that Jesus and God the Father share. Nais ni Jesus na magkaisa tayong lahat tulad ng pagkakaisa Niya at ng Diyos Ama. Hangad rin Niya ang pakikipag-isa natin sa Kanya at sa Diyos Ama.
The unity of believers worldwide will draw many people to faith in Christ. Kapag nagkakaisa ang lahat ng believers sa mensahe ng Ebanghelyo—wherever they are in the world—makikinig sa atin ang mundo. Kapag nagkakaisa ang mga Cristiano sa paggawa ng mabuti, sa pagtulong sa mahihirap, sa pagsulong ng katarungan at kapayapaan, the world will pay attention. Tatanungin ng mga tao kung saan nanggagaling ang pagkakaisa ng mga Cristiano. Uusisain nila kung ano ang pinaghuhugutan natin ng lakas upang gawin ang tama at ang mabuti nang may pag-ibig. Then, we can point them to our Lord Jesus Christ.
Sadly, hindi nakikita ng mundo ang lubusang pagkakaisa ng mga Cristiano sa panahong ito. Dito sa sarili nating bayan, maraming cases ng local churches na nag-split. Iba’t ibang dahilan—leadership problem, clash of personalities, debate sa doktrina, financial problems, disagreements, at iba pa. Another cause of division is politics. Sa social media, maraming Cristiano ang nagsasabong sa mainit na palitan ng opinions. Some even twist the Word of God to argue their case.
Discord among present-day Christians grieves the heart of Jesus. Ngunit dahil Siya ay nanalangin sa Ama, may pag-asang makita pa rin natin ang pagkakaisang hangad Nila.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Panginoon, pagkatapos ng panalangin Ninyong ito, doon naman sa krus ay nanalangin din Kayo, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Ngayon, na-realize kong nakasakit din ako sa puso Ninyo dahil minsan hindi ako nakikiisa sa kapwa ko believers. Salamat, pinatawad na Ninyo kami, minumulat, at pinagkakaisa. Tulungan Ninyo kaming maging sagot sa Inyong panalangin, Amen.
APPLICATION
I-share ang reflection na ito with a fellow believer. Then, pray together for the unity of Christians in the Philippines and all over the world.