30

JUNE 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Jewel Valeroso & Written by PM Calvario

Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos. Sapagkat nasusulat, Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Subalit, Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”

Mga Taga-Roma 12:19-20

Nakaranas ka na ba ng injustice? Naparatangan sa isang bagay na hindi mo naman ginawa? Pinagkaisahan ng mga taong pinagkakatiwalaan o tinutulungan mo? Masakit ang malagay sa ganitong sitwasyon. Hindi madaling kalimutan ang pangyayari o patawarin ang mga taong nanakit sa atin. At minsan sa sobrang sakit na naidulot ng nagawa nila, sumagi na ba sa isip mong gumanti? O mag-isip na sana may masamang mangyari sa kanila?

“Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa Diyos.” Iyan ang paalala sa atin ni Apostle Paul. Huwag tayong gaganti. Alam ni Paul ang bigat ng mga katagang ito dahil siya mismo ay nakaranas nito. Pinagbabato siya ng mga taga-Listra at kinaladkad sa labas ng bayan sa pag-aakalang patay na siya (Mga Gawa 14:19) at inakusahan, hinubaran, at hinampas nang paulit-ulit at saka pinabilanggo (Mga Gawa 16:19-24).

Kaya naman pinapaalala rin niya ang pangako ng Panginoong Diyos, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti.” Siya ay Diyos na banal, mapagmahal at mapagpatawad. Siya rin ay matuwid, makatarungan, at ang tanging makatwirang maghuhusga. Alam Niya ang makatwirang kabayaran sa lahat ng ating kasalanan at sa kasalanan ng mga nagkasala sa atin. Iginawad Niya sa atin at sa mga nagkasala sa atin ang mahabaging pagpapatawad. Kaya’t sa Kanya lamang nararapat ang paghihiganti.

Nais ng Panginoon na imbes na kasamaan ay suklian natin ng kabutihan ang mga taong nagkasala sa atin, “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng baga sa kanyang ulo.”  Maaaring hindi ito madaling gawin pero makakasigurado tayong ito ang pinakamatamis na paghihiganti, dahil ito ang gusto ng Panginoon na iganti natin.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, maraming salamat at Kayo ay matuwid na siyang magtatanggol sa akin. Paghilumin Ninyo ang lahat ng sugat at sakit at pawiin Ninyo ang galit at poot na dulot ng mga nagawa nila sa akin. Tulungan Ninyo akong patawarin ang mga nagkasala sa akin tulad ng pagpapatawad Ninyo sa aking mga pagkakasala. Bigyan Ninyo ako ng lakas, sa tulong at gabay ng Espiritu Santo, para suklian sila ng kabutihan na naaayon sa pagmamahal Ninyo. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

APPLICATION

Isulat ang pangalan ng mga taong nagkasala sa iyo at sa katabi ay ang mga nagawa nilang kasalanan sa iyo. Ipanalangin mo sila ng ganito, “Panginoon, dahil ako’y iyong pinatawad sa aking pagkakasala, pinapatawad ko si _______ sa mga sakit, galit at poot na naidulot niya sa akin dahil sa ginawa niyang ________. Pagpalain Ninyo siya. Gamitin Ninyo ang karanasang ito sa ikabubuti ko. Amen.”

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 9 =