23

AUGUST 2022

Thief in the Night

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Joshene Bersales

Mga kapatid, hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyo na ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi. 1 Mga Tesalonica 5:1–2

Maraming magnanakaw at mga miyembro ng akyat-bahay gang ang umaatake nang gabi. Kapag patay na ang ilaw at tulog na ang lahat, saka sila nagtatangkang pumasok sa target nilang bahay para magnakaw. At kapag hindi handa ang may-ari ng bahay, pwedeng magising na lang siya sa umaga na wala na ang valuables niya. Worse, baka malagay sa panganib ang kanyang buhay at ng kanyang pamilya. 

Ikinumpara ni Apostle Paul ang Second Coming ni Jesus sa pagdating ng magnanakaw sa gabi. Sabi niya sa 1 Thessalonians 5:2 (NIV), “The day of the Lord will come like a thief in the night.” Bakit?

First, because no one knows for sure when Jesus will come again. Kahit si Jesus mismo, habang narito pa Siya sa lupa, ay nagsabing, “Walang nakakaalam ng araw o ng oras na iyon, kahit ang mga anghel sa langit, o ang Anak man. Ang Ama lamang ang nakakaalam nito” (Marcos 13:32). 

Second, dahil ang mga hindi handa sa pagbabalik ni Jesus ay katulad ng nananakawan sa gabi: sound asleep and unprepared. And because of this, “destruction will come on them suddenly … and they will not escape” (1 Thessalonians 5:3 NIV). 

Dahil imposibleng mahulaan kung kailan magbabalik si Jesus, ano ang dapat nating gawin? Sabi ni Paul: “Kaya nga, kailangang tayo’y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip, at di tulad ng iba” (1 Mga Tesalonica 5:6). Kung relaxed lang tayo, matutulad tayo sa isang taong pinasok ang bahay ng isang magnanakaw. Pero kung mananatili tayong gising at malinaw ang isip, we’ll be ready to welcome Jesus when He finally returns and brings us home with Him in heaven. 

Handa na ba tayo sa muling pagbabalik ni Jesus?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Jesus, tulungan Mo akong manatiling handa sa Iyong pagbabalik. Amen.

APPLICATION

Read 1 Thessalonians 5:111. Ayon kay Apostle Paul, paano tayo magiging handa sa muling pagbabalik ni Jesus?

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 6 =