30
DECEMBER, 2020
To Be Brave
Share with family and friends
Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo; noong ako’y manganib, iniligtas niya ako. Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala, pagkat siya ay mabuti’t hindi siya nagpapabaya.
Mga Awit 116:6-7
Isang cute na eight-month old bouncing baby boy si Brave. Masayahin siya’t malikot kaya di maiwasan ang mga alanganing posisyon sa kanyang paglalaro. Minsan, mabilis siyang gumulong at nahulog sa kama. But even before hitting the floor, his father was able to catch him. Nagulat ang mga nakakitang matatanda sa paligid. Ganoon din si Brave, kaya umiyak siya. Pero nang itinaas na siya ng kanyang ama at niyakap, tumigil siya sa pag-iyak at muling narinig ang kanyang paghagikgik. Tumawa siya nang tumawa na parang walang nangyari. Muling bumalik si Brave sa paglalaro habang ang matatandang naroroon ay hindi maka-move on sa pagkahulog niya.
Kadalasan, tayo ang matatanda sa kuwento ni Brave. Kahit na tapos na ang pangyayari, naroroon pa rin ang pag-aalala o ang trauma.
What is it like to have a child-like faith? Brave stopped from crying and immediately laughed when his father lifted him up. Agad-agad din siyang bumalik sa paglalaro dahil sigurado siyang nakabantay ang kanyang ama anuman ang mangyari. Ganitong pananampalataya ang gusto ng Panginoon para sa atin. Walang takot. Nagpapatuloy sa buhay. At mayroong pagtitiwala na ang Diyos Ama ang mag-iingat at magliligtas sa atin. Maaari tayong magtiwala at mapanatag dahil hindi Siya magpapabaya. Sabi nga sa Psalm 116:6 (NLT), “The Lord protects those of childlike faith.” Kaya halika, hingin natin kay God na magkaroon din tayo ng child-like faith.
Share this encouraging page to family and friends.
LET’S PRAY
Lord, salamat po sa assurance na lagi Kayong nandiyan para saluhin ako para hindi ako mapahamak. Give me a faith like that of a child, isang pananampalataya na walang takot, at sa halip ay punumpuno ng pagtitiwala na Kayo ang mag-iingat sa akin at magliligtas sa lahat ng oras. In Jesus’ name, Amen.
APPLICATION
Observe a child. Masdan kung sa paanong paraan pa niya ipinapakita ang kanyang pagtitiwala sa kanyang magulang. Then reflect on your relationship with God the Father. How can you be more child-like in your faith in God?