14

MAY 2023

Tunay na Nanay

by | 202305, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Joshene Bersales

Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.

Mateo 5:16

“Tumatanda ka na,” hirit ng isang kakilala kay Jo. “Kailan ka ba magkakaanak?” Instead na ma-offend, sumagot si Jo, “May anak na ako,” sabay ngiti, “more than 10 pa nga.”

Leader si Jo ng isang maliit na theater group sa church, at karamihan ng members na teenager, “’Nay” ang tawag sa kanya. Hindi lang kasi natatapos sa pagli-lead ng teatro ang relationship ni Jo sa kabataang ito — nagbibigay din siya ng advice tungkol sa school or family, kinikilig kapag kinukuwento nila ang crush nila, at nakikinig kapag may sama sila ng loob. Paminsan-minsan, tini-treat din niya ang mga ito ng dinner, lalo na after ng nakakapagod na rehearsal o successful play.

Tulad ni Jo, maraming kababaihan ang tumatayong nanay sa non-conventional na paraan. May ninang na nagpapaaral sa inaanak. Homeroom teacher na sinisiguradong well-balanced ang school life ng students niya. Discipleship leader na tumatayo ring accountability partner ng youth. Hindi man sila biological na nanay, tunay naman ang pagmamahal at pagmamalasakit na ipinapakita nila sa kanilang mga anak-anakan.

Ano kaya ang nagtutulak sa kanila to care for people na hindi naman nila kadugo? Baka sila lang ni Lord ang nakakaalam ng real reason. Pero isang bagay ang sigurado: Isa silang malaking blessing mula kay Lord para sa mga anak-anakan nila at, possibly, sa iba pang tao. Hindi man sila ilaw ng tahanan in a traditional way, maituturing pa rin silang mga ilaw na nagbibigay comfort at gumagabay sa ibang tao. At ang ilaw na ito, gaano man kaliit o kalaki, ay puwedeng kumalat at magsindi ng ilaw sa mas maraming tao.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat sa mga nanay who love and care for us. Napakalaki nilang blessing sa mga tao sa kanilang buhay. Please grant the desires ng kanilang puso according to Your will. Amen.

APPLICATION

Pasalamatan ang mga nanay sa iyong buhay. Sumulat ng maikling note at samahan ito ng tsokolate, bulaklak, o anumang gift to show your appreciation sa kanilang sakripisyo para sa mga anak nila, biological man o hindi.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 14 =