30

MARCH 2021

Umagang Kay Ganda

by | Devotionals, You

Share with family and friends

Narrated by Lucille Talusan

Kung umagay ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay namiy may galak ang aming awit. At ang aming kahirapan palitan mo ng ginhawa, singhaba rin ng panahon ang ipalit na ligaya.  

Mga Awit 90:14-15

Sino ba sa atin ang walang problema? Wala! Lahat tayo ay dumadaan sa iba’t ibang pagsubok—challenges in our families, work, relationships, finances, and others. Walang exempted sa problema. Ang tanong ay, paano tayo magre-respond sa mga pinagdadaanan nating challenges and difficulties in life?

Ayon sa James 1:2-4, ang mga trial ay nakakatulong para maging mature at well-developed tayo. Marami naman tayong mababasa sa Bible na assurance ni Lord na tutulungan Niya tayong malagpasan ang mga trial natin. Kapag nagtiwala tayo sa Diyos at umasa sa biyaya Niya para makapag-persevere habang dumadaan sa mga problema, maganda ang magiging ending. We are given assurance na ang ending ng bawat challenges and difficulties ay victory because Jesus has already won the battle for us. But then again, minsan, we still doubt and pumapalpak tayo kasi ang hirap-hirap naman talaga!

May magandang panalangin na mababasa sa Psalm 90:14 (NLT): “Satisfy us each morning with your unfailing love, so we may sing for joy to the end of our lives.” Tip ito para sa atin. Pagkagising na pagkagising ay sabihin na natin kay Lord na punuin na Niya tayo ng Kanyang pure and unfailing love. Because of His love, kahit anong problema ang ma-encounter natin, makakaya natin. Sa umpisa pa lang ng araw, kapag na-satisfy na tayo ng Kanyang great love for us, magkakaroon tayo ng confidence to face any problem. Join me in praying Psalm 90:14-17.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, satisfy us each morning with Your unfailing love, that we may sing for joy and be glad all our days. Make us glad for as many days we have seen misery, for as many years as we have seen trouble. Replace the evil years with good. Let us see You work again in our lives for Your glory. Show us Your favor, Lord, and make our efforts successful.

APPLICATION

When you wake up in the morning, pray to the Lord to satisfy you with His unfailing love. And when you encounter a problem or someone offends you during the day, sabihin mo at ipaalala sa iyong sarili, “Mahal ako ni Lord.”

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 10 =