14
AUGUST 2022
Unanswered Prayer, Part 1: Sa Old Testament
Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, sa kanilang pagdaing, siya’y nakikinig …
1 Pedro 3:12
“Naka-mute ka, di ka namin marinig. Pa-unmute, please.”
Naranasan mo na bang masabihan ng ganito sa isang online meeting? O di kaya ikaw ang nagpapaalala sa mga ka-meeting mo? Buti na lang madaling mag-unmute! Isang click lang at nagkakarinigan ang lahat.
Sana ganun lang kadali pagdating sa prayer. May times na naririnig natin ang boses ni Lord at alam natin agad ang sagot Niya sa prayers natin. Pero may mga oras naman na para bang naka-“mute” si Lord. Hindi natin alam kung ano ang sagot Niya at kung paano maririnig ito. Minsan parang walang sagot o “unanswered” ang prayers natin.
Maraming tao ang uncomfortable sa idea ng unanswered prayer. Hindi ba’t sinasagot ng Diyos ang lahat ng prayers ng mga anak Niya? Hindi ba’t He hears all our prayers? Biblical ba ang unanswered prayers? Tingnan natin sa Scripture.
May mga examples ng unanswered prayer sa Bible. For example, sa Old Testament, nanalangin si David sa Diyos para gumaling ang anak nila ni Bathsheba (2 Samuel 12:13-23) ngunit namatay ito. Si Job, maraming tanong at request sa Panginoon (see Job 6:8; 7:20 and other verses) pero hindi sinagot ng Panginoon directly ang mga questions at prayers ni Job — iba ang Kanyang mga sinabi (see Job, chapters 38–41).
Sa mga example na ito, masasabi natin na may unanswered prayers na naranasan ang mga taong malapit sa Panginoon, tulad ni David, a man after God’s heart, at ni Job, isang righteous at blameless man.
Ngunit sa Old Testament lang ba may unanswered prayers? Bukas, tingnan natin ang ilang examples mula sa New Testament.
LET’S PRAY
Panginoon, may unanswered prayers sa aking puso, Pero tulad ng sinabi ni Job, may mga bagay na hindi ko nalalaman at hindi nauunawaan (Job 42:3).
APPLICATION
Basahin at mag-meditate sa mga tanong ni Job (23-24). Ano ang masasabi mo sa mga tanong at ibang sinabi niya? May naisip o nasabi ka ba na similar dito kay Lord? Pagkatapos, basahin ang sagot ng Panginoon (Job 38-41). Pagnilayan mo ang Kanyang sagot at isipin mo na sa iyo ito sinasabi ni Lord.