15

AUGUST 2022

Unanswered Prayer, Part 2: Sa New Testament

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Michellan Alagao

Sabi ni Jesus, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.”

Lucas 22:42

Kahapon, nakita natin na may examples ng unanswered prayers sa Old Testament. Ngayon naman, tingnan natin ang New Testament. Maraming verses dito tungkol sa prayer, kung paano dapat mag-pray, at kung bakit hindi nasasagot ang prayers. Madalas, ito ay dahil sa ating kasalanan o dahil may mali sa ating puso. Pero meron din bang examples ng mga taong tama ang puso ngunit nakaranas ng unanswered prayer? Meron din.

Ang Apostle Paul ay nag-pray ng tatlong beses sa Panginoon para alisin ang kanyang “kapansanan sa katawan” (2 Mga Taga-Corinto 12:7-8) ngunit hindi ito ginawa ng Panginoon. Technically, hindi ito “unanswered” na prayer dahil may answer si Lord (sa verse 9) — hindi nga lang ito ang sagot na nais na marinig ni Paul, kaya pwede itong ma-consider na unanswered.

May isa rin na nag-pray ng tatlong beses — si Jesus, sa Garden ng Gethsemane. Nanalangin Siya na kunin sa Kanya ang kopa ng paghihirap, kung maaari at kung ito ang kalooban ng Ama. Dito natin makikita ang struggle ng Panginoon. Sa huli, tanggap ni Jesus — at alam din natin — na hindi inalis sa Kanya ang kopang iyon, hindi dahil impossible ito, kung hindi dahil kailangang mangyari ang kalooban ng Ama.

Sa dalawang examples na ito, parehong righteous ang mga nanalangin. Mahal nila ang Ama at mahal din sila ng Ama. Nasa tamang lugar ang kanilang mga puso. Ngunit naranasan nila ang “unanswered” prayer.

May taos-pusong prayers ka ba na hindi pa nasasagot? Hindi ka nag-iisa at hindi ibig sabihin nito na may masama kang nagawa. The Lord has His reasons at minsan, hindi natin nakikita o malalaman sa buhay na ito. Posible din na may ibang plano si Lord.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama, Kayo po ang nakakaalam kung ano ang possible at ano ang karapat-dapat. Tulungan po Ninyo ako na manatili sa presence Ninyo kahit na Kayo ay tahimik.

APPLICATION

May kakilala ka ba na naka-experience ng unanswered prayer? Ano ang kanyang naisip at naramdaman? Resist the urge to say, “Baka hindi ka sinagot ni Lord kasi [reason/s].” Kausapin mo lang siya at makiramay ka.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 10 =