16
AUGUST 2022
Unanswered Prayer, Part 3: Sa Iyong Buhay
Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa.
Lucas 18:1
Nakita natin na may mga unanswered prayer sa Bible. Minsan, tahimik ang Panginoon; minsan naman, iba ang Kanyang sagot sa ine-expect natin.
Bakit nga ba may mga prayer na “unanswered”? Isa itong mystery. Maraming mga haka-haka ang mga nag-aral ng theology, ngunit si Lord lang ang makapagsasabi kung bakit may prayers na walang sagot, o kakaiba ang sagot na galing sa Kanya.
Narito ang mga bagay na pwede nating gawin kapag tayo ay may unanswered prayers:
Wait. Unanswered ba talaga? Teka muna, baka may sagot din ang iyong prayer balang araw. May times na sasagot naman si Lord, kailangan lang natin maghintay.
Honor God’s silence. May dahilan ang Diyos kung bakit tahimik Siya sa ngayon. Silence is also an answer. Mahirap itong tanggapin minsan, ngunit ito ang katotohanan. Mahal tayo ni Lord, pero hindi required na sagutin Niya ang lahat ng prayers natin.
Surrender. Sabi ni Jesus, “Ama ko, Ama ko! Magagawa mo ang lahat ng bagay. Alisin mo sa akin ang paghihirap na ito, ngunit hindi ang kalooban ko kundi ang kalooban mo ang masunod” (Marcos 14:36). Yan ang dapat ending ng lahat ng prayers natin: na ang kalooban ng Ama ang masunod.
Continue. Patuloy lang, kapatid. Magpursigi tayo dahil ang prayer ay invitation para sa atin to keep seeking the Lord.
Maraming aspeto ang prayer. Ito ay isang privilege na binigay sa atin bilang mga anak ng Diyos. Ngunit isa rin itong misteryo na hindi natin lubusan na maiintindihan sa buhay na ito. Ang mahalaga ay hindi tayo ma-discourage na mag-pray. Prayer is how we build our relationship with God.
LET’S PRAY
Lord, tulungan po Ninyo ako na magpatuloy sa panalangin, kahit na minsan parang hindi ko naririnig ang boses Ninyo. I know You are there, listening.
APPLICATION
May prayers ka ba na hindi pa nasasagot? Hindi ka nag-iisa. Naririnig ng Panginoon ang prayers ng mga righteous. Wait. Honor God’s silence. Surrender. Continue. Magpatuloy sa panalangin.