19

MAY 2021

Under Construction

by | 202105, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Ivy Catucod & Written by M.C. Navarro

Kaya’t kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito’y napalitan na ng bago.

2 Corinto 5:17

Naranasan mo na bang maging bahagi ng regular routine mo ang pagdaan sa construction site ng isang tinatayong gusali? Maaaring nasa ruta mo ito pag papunta ka sa trabaho. Sa totoo lang, nakakairita, lalo na ang initial stages ng construction. Nariyan kasi ang sobrang ingay galing sa pagbabarena ng bedrock para sa foundation ng gusali. Kapag natapos ito, ang pagtayo naman ng columns, roofing, at exterior walls ang magdadagdag sa noise pollution sa immediate surroundings mo.

Maaaring abutin ng taon, but at some point, tatahimik ang construction site. Mukhang buo na ang building kung titingnan mula sa labas. Kaya magiging curious ka: Kailan kaya ang inauguration nito? Magtataka ka na lang kasi maraming linggo at buwan na ang lumilipas, pero wala ka pang nakikitang indicators na mangyayari na ang event na hinihintay mo.

Ang totoo, maaaring mukhang ready na para sa grand opening ang building na itinatayo, but there’s more work to be done sa loob nito—ang paglalagay ng electric wiring, plumbing, flooring, at kung ano-ano pa. At mahabang oras din ang kailangan para dito.

Puwedeng ihalintulad ang proseso ng pagtatayo ng isang building sa nangyayari pagkatapos nating ma-encounter ang Diyos. Tulad ng exterior work sa isang building, may mga bagay sa buhay at pag-uugali nating agad na naisasaayos—tulad ng nag-iiba ang demeanor natin. Nagiging mas joyful, for example, at kita ito from the outside o punto de vista ng ibang tao.

Pero madalas, may natitirang interior work na hindi kaagad natatapos—ang pag-confront sa deep hurts, pagtalikod sa habitual sins, at pagpapalit ng unhealthy way of thinking and living. In the past, umasa tayo sa sarili nating efforts para “ayusin” ang ating mga sarili, pero hindi rin naman naging kumpleto ang ating pagbabago.

For a different result, hayaan natin na si Jesus ang maging “Foreman” ng ating buhay. Ipaubaya natin sa Kanya ang pagsasaayos sa mga dapat ayusin sa atin

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Salamat O Diyos, dahil sa patuloy Ninyong paghubog at paggabay sa akin, unti-unting nawawala’t nababago ang nakasanayan kong maling pag-iisip at pag-uugali. Salamat O Diyos, sa panibagong simula sa pamamagitan ng aking Panginoong Jesus.

APPLICATION

Ilista ang top 3 na bagay na gusto mong baguhin ni Lord sa iyo. Isulat sa ilalim nito ang 2 Corinto 5:17 para matandaan na hindi imposibleng mangyari ang positive changes na gusto mo dahil bago ka ng nilalang simula noong nakipag-isa ka kay Cristo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 10 =