30

MAY 2021

Share with family and friends
Narrated by Peter Kairuz & Written by Beng Alba-Jones

Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”

Mateo 4:19

Nasubukan mo na bang mangisda? May mga taong ito ang hanapbuhay. Day in and day out, nasa dagat sila. Marami sa kanila, bago pa sumikat ang araw, pumapalaot na.

Hindi madaling mag-fishing. Puwedeng sunog na ang balat mo, nanlalagkit na ang buhok sa tubig alat, pero wala pa ring laman ang lambat mo dahil mailap ang mga isda. O di kaya, masama lang talaga ang panahon. There’s nothing you can really do about it kundi maghintay sa bangka and hope for a good catch. The next day, gigising ka ulit para mangisda, hoping na this time may mahuli ka na.

Naghahagis ng fish net ang magkapatid na sina Pedro at Andres nang makita sila ni Jesus. Right there and then, Jesus invited them to join Him to become fishers of men. Right away, iniwan nila ang fish net and they accepted the challenge of the Great Teacher.

Hindi ba’t we who committed our lives to God are also called to be fishers of men? Ready ba tayo to endure the hardships? In a perfect world, lahat ng sasabihan natin tungkol kay Jesus ay magtitiwala sa Kanya. Pero gaya ng pangingisda, hindi ito madali. There will be days—maybe even many days—na uuwi tayong luhaan, walang huli na kahit isang isda. People will say, “I can’t believe that the Gospel is this good. That being saved is this easy. That God can love me this much.” They will reject Jesus and say no.

But you don’t give up. The next day, gigising ka ulit para pumalaot. Tomorrow might be the day that somebody will accept Jesus. Baka sakaling mapuno na ang fish net mo.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Give me the heart to obey You, God, in sharing the Gospel. Gaya ng isang mangingisda, sanayin Ninyo akong maging matiyaga. Kapag nadi-discourage ako, umaasa ako sa lakas Ninyo para makapagpatuloy. Open my eyes to see the people who do not know You yet. Amen.

APPLICATION

Isama sa iyong Prayer List ang pangalan ng mga taong hindi pa nakakakila kay God. Planuhin kung saan at kailan mo sila puwedeng makausap. Start to build a relationship with them and when it’s time, i-share kung sino si Jesus sa buhay mo.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

8 + 13 =