4

JUNE 2021

Walang Konti sa Diyos

by | Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Beng Alba Jones

“Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay at dalawang isda. Subalit sasapat kaya ang mga ito?” 

Juan 6:9

Throughout history, may mga taong naukit na ang mga pangalan sa bato dahil sa talent nila. There’s Michelangelo na ginamit ang kanyang galing sa sining at nagbigay sa mundo ng kanyang mga obra maestra tulad ng painting sa Sistine Chapel ceiling. Sa Pilipinas naman, sino ang hindi makakakilala kay Jose Rizal na sumulat ng mga nobelang pumukaw ng damdamin ng mga Pilipino at naging national hero?

You tell God, “If only I had their talents, then I would do something great for You.” But do we really need to be extraordinary para lang may magawa para sa Diyos? Sabihin mo iyan sa batang nagbigay ng kanyang baon kay Jesus. Ano ang mayroon siya? Limang tinapay at dalawang isda. Buong puso niya itong ibinigay kay Jesus na Siya namang nagparami nito para mapakain ang higit sa limanlibong tao. Naranasan niya, tulad ni David sa engkwentro nila ni Goliath, ang kapangyarihan mula sa langit. Sa kamay ng Diyos, ang konti ay naging marami. Sa tulong Niya, ang maliit ay kinayang talunin ang higante. Dahil sa Diyos, ang mga imposible ay nangyari. Hindi ba nga sinabi ni Jesus na ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos (Marcos 10:27)?

Don’t ever think that na wala kang kayang ibigay kay God. Whatever talents you have, puwede mong gamitin para i-glorify Siya. Pero bago mo ialay sa Kanya kung ano ang nasa kamay mo, kailangan mo muna Siyang papasukin at panghariin sa puso mo.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Dear Jesus, the little I have in my hands, I give it all to You. Turuan po Ninyo akong maintindihan na walang konti kung ibibigay sa Inyo, kaya hahakbang ako at ipagkakaloob ko ang anumang meron ako.

APPLICATION

Ano ang talents na mayroon ka? Paano mo ito magagamit para makatulong sa iba na makilala ang Diyos? Focus on what you can do best or kung saan ka may interes. Start by volunteering in your church or community. Kung may resources ka naman, i-share ito sa mga nangangailangan. Ask God to lead you kung saan ka dapat pumunta o kung ano ang dapat mong gawin.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

3 + 5 =