5

JUNE 2024

Washed by God’s Grace

by | 202406, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Sonjia Calit & Written by Honeylet Adajar-Velves

“Halikayo at tayo’y magpaliwanagan,” sabi ni Yahweh. “Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan, kayo’y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.”

Isaias 1:18

Sa murang edad na limang taon, tinutulungan na ni Tony ang kanyang ina na magsampay ng mga nilabhang damit. Dahil araw-araw niya itong ginagawa, tumatak sa isipan ng bata how his mom loves clean clothes.

Isang gabi, nagtaka ang nanay ni Tony nang hindi pa ito umuuwi. Hinanap niya ito at natagpuang umiiyak sa ilalim ng puno. His mom asked why he didn’t come home sooner. Natakot pala siyang mapagalitan dahil namantsahan ng putik ang kanyang school uniform habang naglalaro. Sa kanilang pag-uwi, agad na nilabhan ng ina ang polo ni Tony. Bago isampay, ipinakita ng ina kay Tony ang damit na tila bago nang muli at mahigpit na niyakap ang anak.

Kadalasan ay para tayong si Tony na takot lumapit kay God kapag nagkakasala. Iniisip natin na magagalit Siya o kaya naman ay sobra tayong nahihiya kasi paulit-ulit natin Siyang nasasaktan. Ngunit ang magandang balita, God is so gracious that He is always ready to accept us no matter how filthy we are. And just like Tony’s mom na mahilig maglaba, God is ready to cleanse us from our sins. Sabi pa nga sa Biblia, “Though your sins are like scarlet, they will be white as snow” (Isaiah 1:18 ESV). Kaya anuman ang kalagayan ng puso natin today, puwedengpuwede tayong lumapit kay Jesus Christ because His grace is enough.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, lumalapit po ako ngayon at humihingi ng tawad sa mga kasalanan ko. Madalas nahihiya po akong manalangin dahil alam kong makasalanan ako. So, thank You for this reminder kung gaano kalaki ang grace Ninyo para sa akin. Salamat po sa kapatawaran at pagtanggap sa akin palagi. In Jesus name, I pray. Amen.

APPLICATION

Kumuha ng bar of soap at iukit dito ang salitang “Grace.” Take a photo of the soap. May this be a reminder na puwede tayong linisin ni Lord gaano man tayo kadungis. Sa tuwing mahihiyang lumapit kay God, you can look at this picture and remember that He can wash our sins away.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 14 =