15

OCTOBER 2022

What Are You Afraid of?

by | 202210, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Gianne Hinolan & Written by Deb Arquiza

Ngunit nagsalita agad si Jesus at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot, ako ito!”

Mateo 14:27

Tuwing katapusan ng October, palaging naglalabasan ang mga nakakatakot na palabas sa TV. Kahit sa social media, mabilis kumalat ang mga posts tungkol sa multo at iba pang kababalaghan. Patok na patok sa mga tao ang mga thriller series at horror films. Maraming tao ang gustong-gusto na tini-test kung hanggang saan ang tapang nila by daring themselves to watch scary movies or ghost-hunting tuwing Halloween.

Pero alam mo ba na fear is not from God? The Bible tells us that God has not given us a spirit of fear. Mababasa natin sa Bible na may isang instance na napagkamalan ng disciples na multo si Jesus at sila’y natakot. Malakas kasi ang alon at hangin, at hindi nila agad nakilala si Jesus na naglalakad sa ibabaw ng tubig at papalapit sa kanilang bangka. Akala nila multo pero si Jesus pala. Jesus knew and saw their fear. Kaya naman agad silang inassure ni Jesus at sinabi Niya, “Huwag kayong matakot, Ako ito!”

Marami tayong kinakatakutan — hindi lang ang multo. Ikaw, what are you afraid of? Takot ka bang mawalan? Takot ka ba sa future? Takot ka bang magkasakit? Takot ka bang masaktan? Minsan, katulad ng disciples, hindi lang din natin Siya agad-agad nakikita sa ating sitwasyon dahil napapangunahan tayo ng takot. What happens is nakikita natin agad ang bagyo, ang problema, ang sakit. Pero ang totoo, God is always with us. Bumagyo man, umaraw, umulan and in every season of our lives, God is present and we have nothing to fear. When we hear God’s voice speaking to us, katulad nang marinig ng disciples ang boses ni Jesus, our fears disappear and we become secure. Panghawakan mo ang salita ni Lord ngayon: “Huwag kang matakot. Kasama mo Ako.”

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, today, I surrender to You all my fears. Thank You for Your promise that You are always with me. Thank You for Your perfect love that casts out every fear.

APPLICATION

As your read your Bible, find a promise or a verse that speaks directly to your situation at i-declare mo ito sa tuwing ikaw ay makakaramdam ng takot or worry.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 10 =