25

OCTOBER 2022

What Comes After Difficult Times

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Karen Timbol & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Sa halip na kahihiyan, ang bayan ko’y tatanggap ng kasaganaan. Sa halip na paghamak, sila’y magsasaya sa kanilang minana, magiging doble ang inyong kayamanan; at ang inyong kagalaka’y magpasawalang hanggan.

Isaias 61:7

Panaginip ang dahilan kung bakit ibinenta si Joseph ng mga kapatid niya. Panaginip din ang dahilan kaya nakuha niya ang loob ng Pharaoh. Through Joseph, nalaman niyang there will be seven years of abundance, to be followed by seven years of famine. Kakailanganin ng Pharaoh na pumili ng mamamahala sa paglikom ng 1/5th ng harvest sa susunod na pitong taon.

Pinili ng Pharaoh si Joseph dahil nakita niyang God’s spirit is within him (Genesis 41:38). Nang dumating ang panahon ng taggutom, people from different lands, in desperation, came to Egypt to buy grain. Kasama rito ang mga kapatid ni Joseph. Lumuhod sila sa harap ni Joseph para humingi ng permiso na bumili ng pagkain. They did not recognize him, and they did not know that it was the fulfillment of the dream that Joseph had more than one decade ago.  

Joseph could have forgiven them at that very moment, pero hindi niya ito ginawa. Posibleng narealize niyang hindi pa niya kayang magpatawad, so instead, he tested them. He accused them of being spies, pero sinabi nilang magkakapatid silang pumunta sa Egypt para bumili ng pagkain para sa pamilya. Sabi ni Joseph, maniniwala lang siya sa mga ito kung susunduin nila ang bunsong nasa Canaan.

Ginawa nila ito. Pero pinalabas ni Joseph na ninakawan siya ni Benjamin and that he needs to stay in Egypt as a slave. Dali-daling nagprisinta si Judah na siya na lang ang gawing alipin. Dito nakita ni Joseph na nagbago na ang mga kapatid. He finally revealed his true identity and forgave them.

During difficult times, ang hirap isipin kung paano mo ifoforgive ang mga taong gumawa ng hindi mabuti sa iyo. Sa kaso ni Joseph, ginawan siya ng masama ng mga kapatid niya, pero ginamit ng Diyos ang nangyari sa kabutihan at para magligtas ng maraming buhay (Genesis 50:20) 

Difficult times won’t last forever. As a child of God, if problems take something away from you, kabahagi ka ng pangako ni Lord na doble ang ipapalit niya ritong kasaganahan at kasayahan. In the end, God’s good purposes for you will prevail.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, sa gitna ng mga problema, I will choose to remain in faith. I will choose to trust in You.

APPLICATION

Basahin ang Genesis 42–45 to get a better appreciation of the continuation of Joseph’s story.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

6 + 1 =