26

JUNE 2022

What Is Life?

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Timmy B. Yee

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.” Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo’y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.Sa halip ay sabihin ninyo, “Kung loloobin ng Panginoon, mabubuhay pa kami at gagawin namin ito o iyon.” Ngunit kayo’y nagmamalaki at nagyayabang, at iyan ay masama! Ang nakakaalam ng mabuti na dapat niyang gawin ngunit hindi ito ginagawa ay nagkakasala. Santiago

4:13–16

Napaisip ka na ba kung ano ang saysay ng iyong buhay? Ano ang halaga ng iyong pag-aaral, pagtratrabaho, pagkakaroon ng pamilya? Nagising ka na ba isang umaga at sinabing parang Ground Hog Day” lang? Paulitulit na lang ang nangyayari, na para bang walang saysay ang buhay mo.

In a study done in one of the richer Asian countries, it was revealed na depression ang rason kung bakit marami sa kanila ang nagsu-suicide. Sa gitna ng material resources at advancement nila, hindi pa rin pala iyon sapat to give meaning to life.

Hindi masama ang pagiging successful. Tama naman na planuhin ang buhay natin. Pero kung dito natin hahanapin ang saysay ng ating buhay, baka mauwi ito sa pagkadismaya. Kasi, paano kung pumalpak o magkamali tayo? Sabi nga ni James who wrote today‘s verse, hindi natin mahuhulaan ang mangyayari sa hinaharap. Hindi rin natin mako-control ang ating kinabukasan!

Ang buhay natin ay parang usok lamang, andyan ngayon at mamaya, wala na. Kayakung aasa tayo sa ating mga plano lamang, baka magkamali at madapa lang tayo. We should seek to do God‘s will and listen to His Word. His plan for us is for our good.

Magpakumbaba at humingi ng direksyon kay God. Ang Salita ng Diyos ay ang tamang gabay sa kung anumang plano ang gusto Niya para sa atin. Magkaroon ng relasyon sa Panginoong Jesus, at alamin natin ang Kanyang plano para sa ating buhay. A full and meaningful life can only be found in Him.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, isinusuko ko sa Iyo ang aking mga plano para sa aking buhay. Gabayan Mo po ako. Nawa’y ang nais mo ang mangyari para sa ikabubuti ko.

APPLICATION

Aling mga plano sa buhay ang tingin mong hindi naayon sa kagustuhan ng Panginoong Jesus? Pag-isipang mabuti kung dapat bang ihinto ito at iwasto ayon sa sinasabi ng Biblia.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 15 =