25

JUNE 2022

Iiyak mo sa Diyos

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Neo Rivera & Written by Jeaneth DP Panti

Ang taglay kong sulirani’y nababatid mo nang lahat, pati mga pagluha ko’y nakasulat sa iyong aklat.

Awit 56:8

Nagdadalamhati ang puso ni Hannah. Punuin man siya ng pagmamahal ng asawang si Elkanah, labis ang kanyang pagtangis dahil hindi niya makamit ang deepest desire ng puso niya — ang magkaroon ng anak.

She could not shake the deep disappointment. What’s worse is that everytime Elkanah was away, Peninah, her husband’s second wife, would make fun of Hannah’s childlessness. Unti-unti siya na-depress, ni hindi siya makakain o makatulog man lang.

Ilang beses ka na rin bang umiyak gaya ni Hannah?

May mga panahon talaga sa buhay na maiiyak ka na lang. Matinding financial problem, pagkawasak ng relasyon, pagkawala ng mahal sa buhay, o sakit na matagal mo nang iniinda.

Minsan, sabay-sabay pa ‘yan lahat. Kaya’t sobrang sakit sa dibdib to the point na wala ka nang magawa kung hindi lumuha. Pati pagdarasal parang ang hirap. Pakiramdam natin, hindi naman tayo dinidinig ng Diyos. Sometimes, tears have a way of blinding our faith.

Thankfully, our tears also have a way of bringing clarity.

As for Hannah, her tears reminded her that God sees everything. Alam ng Diyos ang lahat ng pinagdadaanan niya, maging ang kanyang pag-iyak. She realized na walang ibang makatutulong sa kanya kundi ang Diyos. So, when she could no longer bear the pain of her empty womb, she went to the temple and cried to God. Ibinuhos niya sa panalangin ang lahat ng sakit and prayed that if she had a son, she would give the child back to God. Not long after she prayed, Hannah got pregnant and bore a child (1 Samuel 1, 2).

Ikaw, ano ang panalangin mo? Ano ang iniiyak mo sa Panginoon gabi-gabi?

Let your tears remind you that your suffering, no matter how deep and painful, is not permanent. Let that pain remind you that you can always turn to God, and He will comfort you. Sa bawat pagpatak ng luha, katumbas nito ang pangakong darating ang panahon na matatapos rin ang pagtangis. Pupunasan Niya ang luha at papalitan ito ng galak.

Iiyak mo lang sa Diyos. Maniwala at magtiwala na He will meet you where you are.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Ama sa langit, itinataas ko po sa Inyo ang lahat ng nadarama kong lungkot, takot, at pagod. Salamat dahil sa gitna ng suliranin, Kayo ang kalakasan ko. Salamat dahil alam kong ang mga luhang ito ay papalitan Mo ng saya, at ako’y magpupuri sa Inyo. Tinatanggap ko po ang kalakasan at kaginhawaan na nanggagaling sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Don’t hold back your tears. Allow yourself to feel those emotions and cry unto God through prayers. As you pray, invite His peace to fill your heart.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 14 =