1

SEPTEMBER 2022

When Nobody’s There to Listen

by | 202209, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Clarissa Estuar-Navarro

Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.

Awit 34:18

Meron ka bang pinagdadaanang problema na hindi matapos-tapos? Pilit mong kinakaya. Pilit mong ino-overcome ang sitwasyon o makawala rito, pero para kang nasa kumunoy na hindi mo ito matakas-takasan.

Sa mga ganitong pagkakataon, isa sa usual reactions natin ang maghanap ng makakausap. Gusto nating may mag-validate ng feelings natin: na tama lang na makaramdam tayo ng hurt, confusion, or frustration. Gusto nating may magcomfort sa atin. We want to feel that someone understands.

Pero minsan, aabot ka sa puntong pakiramdam mo, wala ka nang mapuntahan. Pwedeng natatakot kang makulitan na ang mga kaibigan mo dahil makailang beses mo nang nabanggit sa kanila ang pinagdaraanan mo. Nagsi-second thoughts ka na ring magsabi sa pamilya because they might judge you as weak. Syempre, masakit kung mapagsabihan ka na maliit lang naman ang problema mo, pero bakit sobra kang affected? There’s also the fear na maka-experience ka nang paninisibakit nga ba after all this time, hindi mo matagumpayan o malagpasan ang sitwasyong hinaharapmo?

For these reasons alone, it doesn’t feel like it’s safe to talk to anyone, and it adds to your pain. Buti na lang, sinasabi sa Awit 34:18 na pwede nating lapitan ang Diyos.

Walang binanggit na limit ang Panginoon kung ilang beses tayo pwedeng lumapit sa Kanya. “Unli” ang access natin sa kanya. At ayon sa Hebreo 4:15, si Jesus ang ating Great High Priest, at naiintindihan niya ang weaknesses natin. If we are hurting, we can come to Him with our problems and hurts, big or small. And always, we will feel refreshed and that we are not alone.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, minsan, nahihiya akong lumapit kahit sa Inyo. Ang hirap aminin na hindi ko kaya ang problema ko. Help me let go of my misplaced pride para mailapit ko ito sa Inyo.

APPLICATION

Ano ang paborito mong paraan para kausapin ang Panginoon? Is it while taking a walk? Being quiet in your room? Or while writing in your diary? Find time to do this today para maihinga mo sa Kanya ang mga bagay na hindi mo masabi sa iba.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 14 =