31
AUGUST 2022
Growing Old
Ang mga uban ay putong ng karangalan, ito ay natamo sa matuwid na pamumuhay.
Mga Kawikaan 16:31
Nasaang stage ka na ng buhay mo ngayon? Are you in the quarter or middle of your life? This is when you have reached this point when you question your achievements, goals, and even the very essence of your life. Have I done enough? Na-achieve ko ba ang goals that I’ve set for myself? Nameet ko ba ang expectations ng iba? Have I reached the point of no return?
Baka nakakaranas ka rin ng “emotional bonk.” Bonking is when you are biking tapos nagblablack out ka na dahil ubos na ang sugar mo sa katawan. Nauubos na ang kakayanan mo na pumadyak para marating ang destination mo. Maybe this is your current state of mind. Feeling mo, ubos ka na. Yung feeling mo na failure ka na at matanda na. Hindi ka nag-iisa.
The Bible gives us a fresh perspective that could change how we feel about whatever crisis we are going through. Oo, meron, at hindi pa huli ang lahat. In today’s passage, we read na ang edad daw ay parang korona. It’s an honor to grow old. Ang halagang bigay nito ay ang mga napagdaanan mo sa buhay, ang mga aral na natutunan, ang mga pagsubok na napagtagumpayan.
Kahit delayed ang goals mo, handa ka bang magpatuloy? But wait, there’s more! Kung handa ka nang magpatuloy, why not pursue the way of righteousness? Kung dati ikaw ang boss, this time, isama mo si God sa mga plano mo. Kung dati hindi ka humihingi ng talino sa Panginoon, bakit hindi mo subukang magpakumbaba at humingi ng wisdom sa Source nito? Kung dati OK lang ang gumawa ng mali para lang ma-achieve ang goals mo, ngayon isipin mo if this will be pleasing to Jesus.
Ang timeline ng buhay ay maigsi lamang. Tawirin mo ito kasama si Jesus. You are never too young or too old to trust Him.
LET’S PRAY
Panginoong Jesus, ako po ay nasa gitna ng krisis. Isinusuko ko sa Iyo ang aking mga plano. Guide me so I can correct my plans and be pleasing to You. My life is Yours. Amen.
APPLICATION
Anong mga bagay sa buhay mo ang dapat baguhin? Do you need to make mid-course corrections? Pray and ask God to tell you what you need to do to move forward amidst the crisis. Consult the Lord with all your short-term and long-term plans.