5
MARCH 2025
When You Feel Betrayed
Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos.
1 Pedro 3:9
Top ten anime betrayals. ‘Yan ang minsang expression ng mahihilig manood ng anime kapag na-disappoint sila sa isang tao o pangyayari. Kadalasan lighthearted lang naman ito. Nag-uwi ng pichi-pichi ‘yung kapatid mo pero niyog ‘yung topping imbes na keso? Naka-50% off daw ’yung favorite mong milk tea pero ubos na pagdating mo sa store? Kilig na kilig ka sa pinapanood mong series tapos hindi pala happy ending? Top ten anime betrayals ang tawag diyan.
Pero ikumpara natin ang mga ito sa Top One Betrayal na nangyari sa Bible. Kilala mo ba si Judas Iscariot? Isa siya sa twelve na pinili ni Jesus para maging alagad Niya. Kasama siya ni Jesus sa pagkain, pagtulog, at paglalakbay from one town to the next. Nakita niya ang mga himalang pinerform ni Jesus, at narinig ang Kanyang mga turo. Pero binalewala ni Judas ang privilege na ito. Sa huli, binetray niya si Jesus for thirty pieces of silver.
Kung ikaw si Jesus, paano ka magre-react? Isusumbong mo ba si Judas kay God the Father at hihilingin na tamaan ito ng kidlat? After all, hindi ba fair lang na masaktan din ang nanakit sa iyo? Pero iba ang ginawa ni Jesus. Imbes na palayasin, sinama pa rin Niya si Judas sa Last Supper. Hinugasan pa nga Niya ang mga paa nito at inabutan ng pagkain. At kahit may pagkakataon Siyang i-reveal ang plano ni Judas sa harap ng ibang disciples, pinili Niyang hindi ito gawin.
Nakaranas ka na ba ng matinding betrayal? ‘Yung sa sobrang galit mo, sinumpa mo na hanggang kaapu-apuhan nung tao? Balikan ang greatest betrayal of all time at kung ano ang naging response ng greatest Person who’s ever lived. Pinili ni Jesus na magmahal. Sana ganito rin ang piliin natin.
LET’S PRAY
Jesus, sobrang nahihirapan akong patawarin ang nag-betray sa akin. Tulungan Mo akong gayahin ang example Mo. Please help me to love and forgive instead. Amen.
APPLICATION
Kailangan mo ba ng makakausap tungkol sa sakit na pinagdaraanan mo? I-click lang ang icon na Chat With Us para maka-chat ng live ang ating prayer counselors.
SHARE THIS QUOTE
