14
SEPTEMBER 2024
Where Did I Go Wrong?
Ito ang sabi niya: “Ilibing mo na sa limot, at huwag nang alalahanin pa, ang mga nangyari noong unang panahon.
Isaias 43:18
If you are familiar with the song, “Tell Me” ng Side A, it’s about a lover questioning himself/herself kung saan siya nagkamali that resulted sa break up nila ng kanyang ka-relasyon.
Some of us are like that. We tend to question ourselves after a bitter break-up, a failed promotion, a family separation, and many more heartbreaking situations in life. Gusto nating malaman kung saan at kung sino ang nagkamali sa sitwasyon because we have this need to justify our actions. Ginawa ko ang lahat. Hindi ako nagkulang. Pero ano nga ba ang gagawin natin kapag umabot sa isang masakit na katapusan ang mga efforts na ating sinimulan?
We move on. Because there is still tomorrow, because there is hope. Kagaya ng sinabi sa Mga Panaghoy 3:22–23, “Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo’y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo’y napakadakila.”
We can move on by believing that Jesus Christ died on the cross to save us from our own mistakes. Tayo ay napapawalang-sala by grace through faith in the Lord Jesus (Mga Taga-Efeso 2:8–9; Mga Taga-Galacia 2:15–16). That’s why when we believe in Jesus, our past hurts, failures, and mistakes no longer define us. Mahirap man ang journey to healing after brokenness, makakaasa tayong tutuparin ng Diyos ang Kanyang magandang plano sa ating buhay (Mga Taga-Roma 8:28).
Don’t stay in the past. Gaya ng sinabi ni Yahweh sa mga Israelita, “Huwag nang alalahanin pa ang mga nangyari noong unang panahon” (Isaias 43:18). Now, there is hope in Jesus Christ! May bagong simula sa Kanya (2 Mga Taga-Corinto 5:17). Let go of the past that keeps pulling you down and hold on to Jesus and a new beginning.
LET’S PRAY
Dear Jesus, I am not proud of what I have done in the past. Marami po akong naging pagkakamali and I know that I have hurt people. Right now, I need You. Gusto ko po ng new beginning na ipinangako Mo kapag nagtiwala ako sa Iyo. Help me become a better person than yesterday. Thank You, Lord.
APPLICATION
Do you know someone who has gone through a bitter past? Ipag-pray mo siya at i-share mo sa kanya ang devotional na ito para mabigyan siya ng pag-asa at lakas ng loob.