2

DECEMBER 2022

Who’s Your Bias?

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Icko Gonzalez & Written by Michellan Alagao

Ang mga gawa mong makapangyariha’y ipamamalita; sa lahat ng tao’y aking sasabihing ikaw ay dakila.

Awit 145:6

Mahilig ka ba sa banda, K-Pop at kung anu-anong music? Bilang fan, has someone asked you (or have you asked others), “Who’s your bias?” In other words, sino ang paborito mong member sa isang group? Kung ikaw ay fan, mahaba-haba ang sagot mo diyan! Sasabihin mo kung sino ang “bias” mo at bakit siya ang napili mo, with matching examples pa ng moments na kitang-kita ang husay at galing niya! Meron ding tinatawag na “ultimate bias” — ang pinaka-favorite mo sa lahat ng iyong mga favorite na pop stars.

May tendency tayong ikwento o ipagmalaki ang mga taong hinahangaan natin (tulad ng celebrities at superstars) o mahal natin (asawa o anak). Ngunit may Isa na karapat-dapat na maka-receive ng ating paghanga at devotion, ang dapat “Ultimate Bias” sa buong buhay natin: syempre si Lord!

Sa Awit 145, binuhos ni King David ang praises sa ating Panginoon. Pinuri niya si Lord sa kanyang kadakilaan, mga gawa na makapangyarihan at kahanga-hanga, kabutihan, at katuwiran (vv. 3–7). Ipinaalala sa atin ni David na ang Diyos ay majestic, ngunit Siya rin ay “mapagmahal at puno ng habag, hindi madaling magalit, ang pag-ibig ay wagas” (v. 8).

OK lang naman na maging fan ng mga mahuhusay na artists at bigyan sila ng praise and recognition. Ngunit tandaan natin na the Lord our God is worthy of all praise, at all times.

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa sinasabi ng Bible tungkol sa Panginoon, pagkonekta sa Kanya sa pagdarasal, at pagpapasalamat sa Kanya para sa Kanyang blessings at kabutihan sa atin, we can declare along with David, “Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika’y purihin!” (v. 3).

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, tunay nga na Kayo po ay dakila. Patawarin po Ninyo ako dahil minsan nakakalimutan kong bigyan Kayo ng sapat na pagpuri. Today, I praise You with all my heart. You are worthy!

APPLICATION

What is one thing great thing na ginawa ni Lord sa iyong buhay recently? Go and “boast” about this to one person this week.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 4 =