10
JULY 2022
Will God Get Mad if I am Too Honest?
O Yahweh, hanggang kailan ako hihingi ng tulong sa inyo, bago ninyo ako dinggin, bago ninyo ako iligtas sa karahasan?
Habakuk 1:2
How honest can we be to God? Magagalit ba si God kung sasabihan natin Siya ng sama ng loob natin? Magagalit ba Siya if we admit that we don’t feel like praying? Will He get angry if we ask Him kung mahal Niya ba tayo talaga?
Marami tayong clues sa Bible that prove people can express gut-level, raw feelings to God. For instance, Habakkuk did not hold himself back when he said, “How long, O Lord, must I call for help, but you do not listen?” Nasi-sense mo ba na may halong pagrereklamo o pagkadismaya sa Diyos sa sinabi ng propeta? Kung kayang magpakatotoo at magpakaprangka ni Habakuk, bakit hindi tayo? God knows everything about us, including what’s in our heart. Hindi ba’t kung gusto nating lumago ang relationship natin sa isang tao, requirement ang honesty? Mahirap bang isipin na ganito rin sa relationship natin with God?
So we can be honest with God and tell Him exactly how we feel. God will not turn His back on us. Jesus also understands our weaknesses. We have the Holy Spirit who translates for us what we want to say. At Siya rin ang magbibigay ng peace sa puso natin while waiting for God to answer our prayers.
LET’S PRAY
God, You know what’s in my heart. I don’t understand a lot of things that are happening in my life. May prayers ba ako na hindi umabot sa langit? In times when I don’t hear form You, teach me to trust that You have heard me and that You’ll answer me at the right time.
APPLICATION
May kinikimkim ka bang sama ng loob sa Diyos? Go to God in prayer and magpakatotoo ka sa pakikipag-usap mo sa Kanya. Tanggalin mo ang filter mo at tell Him how you really feel. Be honest with God pero huwag kalimutang we still have to approach Him in reverence.