18
JULY 2022
Willing to Wait
Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong tiyaga.
Mga Taga-Roma 8:25
Excited na pumasok si Becky at Ana sa paborito nilang fastfood restaurant. Gutom na sila at pareho silang nagke-crave sa chicken. They ordered their favorite chicken and rice meal pero biglang sinabi ng cashier, “Niluluto pa po ang chicken. Willing to wait po ba kayo for ten minutes?”
“Ay, papalitan ko nalang order ko. Spaghetti meal na lang sa akin,” sabi ni Becky.
“Willing to wait ako,” sagot naman ni Ana. To their surprise, wala pang ten minutes, dumating na ang chicken ni Ana! Inggit na inggit si Becky. Isip-isip niya, “Sana pala naghintay na lang din ako.”
Moral of the story? Good things come to those who wait. Sa panahon natin ngayon na lahat ay fast-paced, pahirap na nang pahirap para sa atin ang maghintay. Nasanay na kasi tayo sa instant—instant answers, instant blessings. Pero paano kaya kapag si Lord ang nagtanong sa atin ng, “Are you willing to wait?”
“Are you willing to wait sa lovelife na ipinagpe-pray mo?”
“Are you willing to wait sa promotion mo sa office?”
Minsan, sa kagustuhan natin na madaliin ang lahat, we end up settling for less. Pero si God, gusto Niyang ibigay ang best sa atin. Kaya hindi laging “instant” ang sagot ni Lord. There are times na ina-allow Niya na dumaan muna tayo sa mga situations na masusubok ang ating tiyaga at pasensya para tayo ay matutong maghintay. God wants to build our character so that we can be more like Him. But the good thing is, we have God’s promises to hold on to as we wait. God is not slow in keeping His promises. We just have to trust His timing and His process. And in the end, kapag ibinigay na ni Lord sa iyo ang mga bagay na matagal mo nang pinagpe-pray at hinihintay, wala kang regrets. Hindi mo sasabihing, “Sana pala naghintay ako.” Instead, you’ll say, “I’m glad I waited. It’s so worth the wait.”
LET’S PRAY
“Lord, teach me how to wait patiently. Help me to trust Your timing and Your way. In Jesus’ name, Amen.”
APPLICATION
Read Romans 8:25 and write it down sa iyong journal or i-save ito sa iyong phone. Each time you feel anxious in your waiting, read this verse aloud.