12

NOVEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Sa halip, magtulungan kayo araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang “ngayon” upang walang sinumang madaya sa inyo at maging alipin ng kasalanan.

Mga Hebreo 3:13

Shara came from a toxic relationship. For years, tiniis niya ang kanyang abusive boyfriend dahil takot siyang maiwang mag-isa. One day, nagkaroon siya ng lakas ng loob to break up with him. Pero hindi naging madali na panindigan ang kanyang naging desisyon. Buti na lang, may mga kaibigan din siyang single na sina Darlene at Ana.

Madalas na lumalabas silang tatlo, lalo na kapag nalulungkot sila. Tinawag nila ang isa’t isa na Wings Sisters. The name was coined because they consider each other as the wings that help them soar in life. Sa halip na mag-pity party, naging support nila ang isa’t isa. They read books, and together, they learned as much about life. In this way, naiwasan nilang maging bitter because of their exes. They were able to prepare themselves para maging mas maayos ang susunod nilang relationships. After 7 years, nagkaroon na sila ng kanya-kanyang masasayang pamilya.

May mga ipinapadala si God sa atin para maging accountability partners natin. Para kay Shara, sina Darlene at Ana ang kanyang accountability partners. Mahalaga ang magkaroon tayo ng mga taong ganito para i-encourage tayo at i-call-out tayo kapag sablay na ang ginagawa natin. Sila rin ang nag-aappreciate sa atin when we’re doing good. At bilang mga tunay na kaibigan, sila ang makakasama natin sa hirap at ginhawa. In return, let us also be a true friend to them. Sabi nga ng Mga Hebreo 3:13, magtulungan tayo araw-araw para malayo tayo sa kasalanan at kapahamakan.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, thank You for sending people to encourage me, guide me, and be there when I need help. I pray that I would have a teachable heart para matutunan ko ang itinuturo Ninyo sa akin sa pamamagitan nila. By Your grace, help me to be an encouragement to them in return. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

11 + 15 =