17

AUGUST 2022

The Battle Is Not Ours

by | 202208, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Erick Totanes & Written by Honeylet Adajar-Velves

Sinabi niya, “Makinig kayo Haring Jehoshafat, at kayong mga taga-Juda at Jerusalem. Ganito ang sinasabi sa inyo ni Yahweh, Huwag kayong matakot ni masiraan ng loob dahil sa maraming kaaway. Ang Diyos ang makikipaglaban at hindi kayo.’”

2 Mga Cronica 20:15

Isang mabuting hari si King Jehoshaphat na napalibutan ng napakaraming kaaway. Kung tayo ang nasa posisyon niya, maaring maisip natin na wala na tayong pag-asang manalo. Pero isang salita ang nagpatibay sa kanyang puso at nagdala ng tagumpay sa kanyang kaharian, “Do not be discouraged by this mighty army for the battle is not yours, but God’s” (2 Chronicles 20:15).

Ang pangakong ito ng Diyos ay totoo maging sa panahon natin ngayon. Maaring nagbago lang ang mukha ng ating mga kalaban pero may kinakaharap tayo pwedeng sakit, financial problem, nasirang relasyon, failing grades, o hindi stable na trabaho. Paano nga ba natin mai-aapply ang pagtitiwala ng battles natin kay God? Here are some steps:

1. Be vulnerable. Marami sa atin ang pinagtibay na ng mga pagsubok sa buhay. Pero aminin natin, hindi lahat ng laban ipinapanalo natin. When we admit that we can’t do anything in a situation, that’s when God’s strength sustains us.
2. Trust in His Word. Remember that our God is a promise keeper. Kaya kung sinabi Niya na Siya ang lalaban para sa atin, then He will fulfill it. Hindi natin kailangan magbida-bidahan; ang kailangan natin ay magtiwala sa Kanyang kapangyarihan.
3. Wait for the victory. Hindi natin kailangang lumaban. We just need to take our positions, stand still, and watch the Lord do His work. He is with us (2 Chronicles 20:17).

How reassuring it is to know na sa mga pagsubok na hinaharap at parating pa ay kayang ipapanalo ng Diyos para sa atin kung ito ay ayon sa kalooban Niya. Ang kailangan lang natin ay magtiwala sa Kanya!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, salamat po sa lakas na ibinibigay Ninyo sa akin whenever I’m facing trials. Forgive me dahil may mga pagkakataon na nakikipaglaban akong mag-isa dahil feeling ko kaya ko. I entrust my battles into Your hands and wait for You to work.

APPLICATION

Are you facing a mighty enemy today? Entrust your battles to the Lord.

Swipe left to list all the enemies you’re facing today. Take your position as you kneel in prayer and let God fight for you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 5 =