13

SEPTEMBER 2022

I Am the Light of the World

by | 202209, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Timmy B. Yee

Muling nagsalita si Jesus sa mga tao. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.

Juan 8:12

Within the last two years, the COVID-19 pandemic took the world by surprise. Millions of people died, with many still experiencing long-term side effects after getting it. At hindi lang ito ang problema ng mundo. Sa paglipat mo ng channel sa TV, napanood mo na “presyo ng langis muling tataas, bilihin sa merkado apektado.” Masasabi mong angdilim naman ng mundo at binibreakfast mo lagi ang masamang balita. Sa araw-araw na takbo ng buhay, parang wala nang makikitang ilaw sa dulo. Ito ba ang future nahinaharap natin?

Sino ang nakakaalam kung saan tayo pupunta? Sinagot ito ni Jesus noong Siya ay tanungin ng mga tao sa Kanyang patotoo. Ang sabi Niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan.Ang sumunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.” Ikaw ba ay nasa mundo ng kadiliman? Gusto mo bang magkaroon ng kaliwanagan?

Ang liwanag na dala ng Panginoong Jesus ay hindi lamang nagbibigaybuhay kundi nagbibigay din ito ng pag-asa. It also sheds light in the areas of our lives that need to be revealed. Minsan may mga bagay tayong pinakatago-tago — mga kasalanan o maling ginagawa na dapat itama. Ang ilaw ng Diyos ay hindi lamang nagbibigay-liwanag kundi simbulo rin ito ng init ng Kanyang pagmamahal para sa atin.

Hindi mo kailangang magtago sa dilim kung saan nakakatakot at di mo alam kung saan ka pupunta. Isuko mo ang iyong buhay sa Panginoong Jesus, at masasaksihan mo ang Liwanag sa mundong puno ng kadiliman.

Panahon na upang harapin ang liwanag, at kunin ang pag-asa na nanggagaling lamang kay Jesus. Kung sawa ka na sa masamang balita, heto ang mabuting balita: Tanggapin mo si Jesus at bibigyang-liwanag Niya ang iyong buhay.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoong Jesus, tinatanggap Kita sa aking buhay. Bigyan Mo po ng kaliwanagan ang aking nagdidilim na isip at kinabukasan. Tinatanggap ko ang pagmamahal Mo at nagtitiwala ako sa kapangyarihan Mong baguhin ako at ang aking sambahayan.

APPLICATION

Kung may mga tinatago kang lihim sa iyong buhay na alam mong kasalanan, panahon na para ilapit ito sa liwanag ng Panginoong Jesus. Mahal ka Niya at nais Niyang mapalaya ka sa bitag ng kasalanan.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 2 =