20
JUNE 2023
Ang Babae sa Balon
Bawat babaeng nakatagpo ni Jesus ay nakaranas ng pagbabago, gaya ng makikita natin sa ating short series na “Si Jesus at ang Mga Babae.”
May isang Samaritanang dumating upang umigib, at sinabi ni Jesus sa kanya, “Maaari mo ba akong bigyan ng maiinom?”… Sinabi sa kanya ng babae, “Ikaw ay Judio at Samaritana naman ako! Bakit ka humihingi sa akin ng inumin?” Sinabi niya iyon sapagkat hindi nakikihalubilo ang mga Judio sa mga Samaritano.
Juan 4:7,9
For hundreds of years, hostility existed between the Jews and the Samaritans. Ang mga Samaritano ay bunga ng intermarriages ng mga Judio at Assyrian, nang sakupin nito ang Samaria na noon ay capital ng Israel.
Ang poot ng mga Judio sa mga Samaritano ay lumala sa panahon ni Jesus. Maiwasan lamang, tumatawid pa ang mga Judio sa Jordan River, sa halip na dumaan sa maikling ruta via Samaria, sa kanilang pagbibiyahe. Jesus defied this when He passed through Samaria on His way to Galilee.
Habang namamahinga si Jesus, dumating ang isang babaeng mag-iigib ng tubig sa balon. Humingi ng maiinom si Jesus, at sinagot Siya ng babae, “Ikaw ay Judio at Samaritana naman ako! Bakit ka humihingi sa akin ng inumin?”(Juan 4:9)
Jesus seized the opportunity to minister to the woman. Sinabi Niya, “Ang bawat uminom ng tubig na ito’y muling mauuhaw, ngunit ang sinumang uminom ng tubig na ibibigay Ko sa kanya ay hindi na muling mauuhaw kailanman. Ang tubig na ibibigay Ko ay magiging batis sa loob niya, at patuloy na bubukal at magbibigay sa kanya ng buhay na walang hanggan” (Juan 4:13–14).
Bagama’t namangha, sinabi ng babae, “Ginoo, bigyan po Ninyo ako ng tubig na ito upang hindi na ako mauhaw, ni pumarito pa upang sumalok muli” (Juan 4:15). Sinagot siya ni Jesus, “Umuwi ka at isama mo rito ang iyong asawa” (Juan 4:16). When she said, she had no husband, Jesus gently exposed the details of her life (Juan 4:17).
Jesus’ respectful treatment of the Samaritan woman was so empowering. She returned to town unmindful of public scorn, and she spread the news that she met Jesus, the Messiah. As a result, many accepted Jesus, and she became the first non-Jewish evangelist recorded in the Scripture.
Babae man o lalaki, gaano man kalaki ang ating kasalanan, maaari tayong gamitin ng Panginoon upang ipahayag ang ebanghelyo.
Jesus took the time to minister to the woman at the well, at dahil doon, natagpuan ng babae ang tunay na makapagbibigay sa kanya ng kasiyahan. Bukas, kilalanin naman natin ang babaeng muntik nang patayin ng taumbayan at kung paano niya naranasan ang kaligtasan at bagong buhay. Tune in tomorrow for our series “Si Jesus at ang Mga Babae.”
LET’S PRAY
Panginoon, salamat sa aral na itinuro Mo sa pamamagitan ng babae sa balon. Salamat sa Iyong kapatawaran na aking tinanggap. Simula ngayon, aking ipapahayag ang Iyong ebanghelyo.
APPLICATION
Ilista at ipanalangin ang mga taong nais mong abutin upang ipahayag ang Magandang Balita ng Dios. Maging handa na magbahagi sa kanila.