6

SEPTEMBER 2023

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Precious Precious Lara Quigaman-Alcaraz & Written by Honeylet Adajar-Velves

Ngunit dahil sa kagandahang-loob niya, ako’y naging isang apostol, at hindi naman nawalan ng kabuluhan ang kaloob niyang ito sa akin. Katunayan, nagpagal ako nang higit kaysa sinuman sa kanila, subalit hindi ito dahil sa sarili kong kakayahan kundi sa dahil sa kagandahang-loob ng Diyos na nasa akin.

1 Mga Taga-Corinto 15:10

Maagang naulila si John dahil sa car accident na kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang. Lumaki siya sa tiyong lasinggero at mapang-abuso. Despite this, naging successful doctor siya. Growing up, he leaned on his own abilities kaya naman hindi siya naniniwalang may Diyos na maaasahan.

Isang araw, nakabangga siya ng bata na agad binawian ng buhay. Narinig niya sa kasama nito na only child ang kanyang nabangga, at hindi na maaaring magkaanak muli ang nanay nito. Sa pagharap niya sa ina ng bata, umiiyak na lumuhod si John at walang tigil sa pagsasabi ng “Sorry.” Laking gulat niya nang sumagot ang ina ng, “Pinapatawad na kita.” Hindi makapaniwala si John sa narinig. “It’s what God wants me to do, so by His grace I forgive you,” paliwanag ng ina. John knows the pain of losing a loved one at nagulat siya kung paanong kaya ni God kumilos sa buhay ng taong kaharap niya para mapatawad siya. This opened his heart to the truth that there is a God who is merciful and gracious. Natutunan rin niya na ang Diyos ding ito ang nagbigay sa kanya ng kakayahan at gumagawa sa kanya ng mabuti.

Maraming bagay na hindi natin aakalaing magagawa natin o mangyayari sa atin, pero dahil sa biyaya ng Diyos, naging posible. Just like the mom in this story who was able to forgive John. O si John mismo na nakapagtapos ng pag-aaral at naging doktor despite all the odds. Kaya gaano man kaimposible ang sitwasyon natin ngayon, lets remember that God’s grace will enable us to be victorious over it. Siya ang magbibigay sa atin ng kakayahan at kapangyarihan para gawin ang isang mahirap na bagay.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, nahihirapan po ako sa (state your situation). Humihingi po ako ng Inyong kagandahang-loob para makayahan ko po ang aking pinagdadaanan. Thank You that Your grace is always available to us. Amen.

APPLICATION

Swipe left and type the challenges you are facing sa iyong Prayer List. Ask God for His grace and mercy upon your situation. And then declare, “Lord, by Your grace I can _______ (say what you believe God will do in and through you).

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

9 + 9 =