12

JANUARY 2024

No More Tears

by | 202401, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Joyce Burton-Titular & Written by Olga Vivero

At papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.

Pahayag 21:4

Kung mahilig kang magpa-deliver ng pagkain o kaya ay gumamit ng online shopping apps o transport services, siguradong alam mo ang ibig sabihin ng ETA o estimated time of arrival. Ito ang oras na pina-promise sa atin kung kailan natin dapat i-expect na darating ang isang bagay.

Katulad ng pakikipagkita sa mga kaibigan o pag-attend sa meetings, dates and times are important because it keeps us informed and helps set our expectations. Pero hindi lahat ng bagay ay merong definite date and time.

Minsan, may mga problemang parang walang expected end date. May mga pagluhang hindi natin ma-determine kung kailan nga ba matatapos. Have you ever asked yourself, “When will this end?” after waking up with a tear-soaked pillow?

In times like this, you can find courage and hope to continue in the One who is outside the bounds of time yet holds everything together in His hands. His name is Jesus. Ang sabi sa Pahayag 21:4, “ papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”

Ito ang pangako Niya sa atin: This too shall pass. Lilipas din ang pagluha at ang nararamdaman nating sakit. Katulad ng kung gaano tayo ka-sure about how the sun rises each morning, God will never leave us in our mourning. Surely, a season of rejoicing will come.

Hindi man natin alam ang estimated time of arrival, mahahanap natin ang pag-asa sa Diyos na hindi kailanman bumali ng mga pangako Niya.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear Jesus, thank You for Your promise na matatapos din ang pagluha ko. As I go through lifes challenges, give me the strength and patience to continue to fight. Sa Iyo lang ako aasa.

APPLICATION

Spend this day thinking about what God has done to comfort you and rescue you from problems in the past. Isulat mo ang mga ito and declare God’sfaithfulness as you pray about His help in your current challenges.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

14 + 15 =