28
JANUARY 2024
Storytelling-A-Lie vs. Storytelling-Alive
Welcome back to our series “The Power of God‘s Word.”
Ang salita ng Diyos ay buhay at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila‘y mas may talim. Ito‘y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng tao.
Mga Hebreo 4:12
Mas may power nga ba ang truth against lies?
Pinagbintangan ng isang babae ang kanyang kumare na fake ang Deed of Sale na kanyang ginawa kaya humantong sila sa korte. Mahaba-haba ang naging proseso, pero napatunayan din na mali ang akusasyon ng babae sa kanyang kumare.
Napagbintangan ka na rin ba tungkol sa mga bagay na di mo naman talaga ginawa? Na-involve ka na ba sa isang hot issue kung saan iba ang kuwento ng kabilang panig? Pinagtulung-tulungan ka na ba ng kasamahan mo sa trabaho at pilit kang pinaaamin sa isang bagay na hindi mo ginawa?
Storytelling-a lie, iyan ang tawag ng mga abogado sa mga kuwentong-kasinungalingan. Ilang tao na ba ang napahamak sa pagsisinungaling? Ilang relasyon na ba ang nawasak dahil sa maling pagkakalat ng impormasyon? It‘s true, truth is the mortal enemy of lies.
Sa kabilang banda, maraming Bible stories ang mas higit na magandang basahin at ikuwento, kaya ito ang “storytelling-alive.” The Word of God is living and active (Hebrews 4:12). It‘s the good news of all good news! The truth is, there is a God and He loves you. He wants you to have an abundant life (John 10:10).
Ito ang best story ever told, Jesus loves us so much, and He died for our sins to save us from eternal condemnation (John 3:16). He wants us to go to heaven and be with Him forever. Believe in Jesus now, and you will be saved. He is the Way, the Truth, and the Life.
God‘s Word truly transforms us. Kung nais nating patuloy na mabago, hayaan nating mapuno tayo ng Salita ng Diyos. Kaya join us again tomorrow for the last part of our series “The Power of God’s Word.”
LET’S PRAY
Lord, we believe in the power of Your truth. You died for our sins and saved us. Be my Savior and Lord. Help me to share the good news. I pray this in Jesus‘ name. Amen.
APPLICATION
Share the good news about Jesus today. While sharing the love of Jesus, trust the Holy Spirit to make your storytelling alive, powerful, and effective.