26

MAY 2024

God’s Heart for The Poor

by | 202405, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Rebecca M. Cabral & Written by Rebecca M. Cabral

“Sapagkat Ako’y inyong pinakain noong Ako’y nagugutom; Ako’y inyong pinainom noong Ako’y nauuhaw. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako’y walang maisuot at inyong dinamitan, nagkasakit at inyong dinalaw, nabilanggo at inyong pinuntahan. Tandaan ninyo, nang gawin ninyo ito sa isa sa mga alagad Ko, siya man ang pinakahamak, Ako ang inyong tinulungan.”

Mateo 25:25–26; 40

Kapag nakakakita ka ng pulubi sa kalsada, ano ang reaksiyon mo? Do you look at the person with suspicion or disapproval, blaming his/her situation for moral failing or laziness? Or do you feel pity and go out of your way to give him/her something to eat?

Sa Mateo 25:25–40, we see God’s heart for the poor. Dama Niya ang kanilang pinagdaraanan. When we do good deeds for the less fortunate, we touch the heart of God. 

Consider the following stories. Lumaki sa hirap si Stella, subalit hindi naging hadlang ito upang maabot niya ang pangarap na maiahon sa kahirapan ang pamilya. With faith in God and hard work, Stella achieved her dream. Dahil sa naranasang kahirapan, nagkaroon siya ng pusong matulungin. Pinag-aral niya ang mga mahihirap na out-of-school youth sa komunidad. Napagtapos niya sa kolehiyo ang mga ito, na later on, ay umangat din ang mga buhay.

Damian was in and out of prison for different offenses. He came to know Jesus when he heard the Word of God being shared by visiting pastors who came regularly to comfort the prisoners. Labas-pasok pa rin sa bilangguan si Damian, ngunit hindi na dahil sa nagawang krimen kundi upang ibahagi ang pagmamahal ng Diyos. Dahil sa bagong buhay na natamo kay Jesus, nagkaroon siya ng puso na ilapit ang mga preso sa Diyos.

Jesus wants us to love others as He loves us (John 13:15). Gayundin, sinabi Niya na huwag nating tatanggihan ang mga humihingi ng tulong at nangungutang (Mateo 5:42). Siya ang magbibigay ng gantimpala sa atin dahil sa maganda nating gawa (Mga Kawikaan 19:17).

He wants us to show deep concern for others, whether it is through financial giving, praying, or spending time with them.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, patawarin po Ninyo ako kung wala akong concern sa aking kapwa. Palambutin po Ninyo ang puso ko para sa mahihirap, gaya ng sa Inyo. Amen.

APPLICATION

Alamin kung sino ang may pangangailangan at nagdadalamhati. Comfort them, whether by prayer, material assistance, or words of comfort.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 13 =