26

AUGUST 2021

Paghinga sa Bawat Pahinga

by | 202108, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Jeaneth DP Panti

Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, ay makakapagsabi kay Yahweh: Muog ka’t kanlungan, Ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.

Mga Awit 91:1-2

Pahinga. Sa busy at fast-paced na mundo, karamihan sa atin ay hindi na makapagpahinga. Lagi tayong naghahabol ng oras. We’re too busy because we want to be productive. Pero minsan, dahil marami tayong ginagawa, nagiging dahilan ito ng matinding pagod. Kailangan na nating magpahinga para makahinga. At kung nasa edge na rin tayo ng pagka-burnout, hindi tayo makakapag-extend ng tulong sa iba.

Sa eroplano, pinapayuhan ang mga passenger na sa oras ng emergency, unahing lagyan ng oxygen mask ang sarili bago ang ibang pasahero, lalo na kung ito ay bata. Isa ba itong selfish act? No. Ipinapakita lang nito na matutulungan natin ang mga taong mahalaga sa atin kung tayo mismo ay nasa maayos na kalagayan.

Kaya kung pagod ka na, ipinapaalala ng Salita ng Diyos na nasa Panginoon ang kapahingahang hinahanap mo. “Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan, ay makakapagsabi kay Yahweh: ‘Muog ka’t kanlungan, Ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan’ (Mga Awit 91:1-2).

In Jesus, we can find rest. He is our refuge. Kung paanong ang oxygen ay kailangan para tayo mabuhay, kailangan din natin si Jesus. Siya ang nagsisilbing “oxygen” natin sa gitna ng busy work, relationship, at personal o emotional problems. In Jesus, matatagpuan natin ang kapahingahan ng puso at isipan. Sa Kanyang piling, makakahinga talaga tayo habang nagpapahinga.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Halika, huminga muna tayo at manalangin: Panginoon, itago Ninyo ako sa piling Ninyo para ma-experience ko ang kapahingahan at kalinga Ninyo. Thank You, Jesus, for giving me rest. Amen.

APPLICATION

I-review ang iyong calendar and set aside a day para makapagpahinga ka mula sa lahat—sa trabaho, sa social media, at sa pakikipag-interact sa mga tao. Ilaan ang araw na ito to spend more time with God.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

7 + 11 =