14

NOVEMBER 2021

Nagtatampo Ka ba sa Diyos?

by | 202111, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Alex Tinsay & Written by Sheena Ferrer

Subalit napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin.

Efeso 2:4

Parang wala na bang katapusan ang mga problema? Palagi ka na lang bang stressed at hindi makatulog sa gabi?

Kung pakiramdam mo ay hindi naririnig ng Diyos ang mga hinaing at panalangin mo, at kung sa tingin mo ay tahimik na naman Siya at wala pa ring sagot sa mga katanungan mo, balikan mo nang una mong maranasan ang pag-ibig Niya.

Gaya ng lahat ng tao, sinusunod natin ang masamang takbo ng mundong ito kaya dapat tayong maparusahan. Pero sabi ng Efeso 2:4, “napakasagana ng habag ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin.” Naligtas tayo dahil sa Kanyang kagandahang loob.

Kahit matapos nating manampalataya at maligtas mula sa penalty of sin, nagpapatuloy ang pag-ibig at habag ng Diyos sa atin. Do you still remember the time when He saved you from an embarrassing moment? Naalala mo rin ba kung paano Niya sinagot ang prayers mo? Paano ka Niya tinulungan sa mga problemang na-experience mo noon? Sa tingin mo, pababayaan ka ba Niya ngayon?

Kahit parang walang katapusan ang mga tanong sa isip at puso mo, piliin mong magtiwala sa plano Niya para sa ‘yo. Alalahanin mo ang mga pangakong ibinigay Niya sa ‘yo. Kahit gaano pa katagal o gaano man kahirap ang maghintay, choose to trust in His mercy and love na minsan na Niyang ipinakita sa ‘yo at patuloy na pinaparanas sa iyo.

Huwag mong sayangin ang panahon sa pagtatampo. Buksan mo ang iyong isip at puso sa mga bagay na nais Niyang ipakita at iparanas sa ‘yo. Magtiwala kang muli sa Diyos na unang umibig sa ‘yo at nagpakita ng habag, sa Kanya na iyo ring inibig at tinanggap ng buong puso.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, tulungan Ninyo akong muling magtiwala at huwag magtampo sa Inyo. Hindi ko man maunawaan ang nangyayari sa akin ngayon, tulungan Ninyo akong panghawakan ang mga pangako at kabutihan Ninyo. Palakasin Ninyo ang pananampalataya ko. Salamat sa pag-ibig at habag Ninyo.

APPLICATION

Pumunta sa isang park o garden kung saan maaari mong pagmasdan ang magandang creation ni God. I-appreciate ang bawat bagay na iyong makikita: ang magagandang bulaklak, iba’t-ibang hugis ng dahon, o di kaya’y ang pagsikat o paglubog ng araw. Pakinggan ang bawat tunog o pagmasdan ang bawat magandang bagay na iyong makikita. Ang magagandang nilikha ng Diyos ay nagpapakita ng pag-ibig Niya sa atin. Hayaan mong mangusap sa ‘yo ang Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na iyong makikita.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

5 + 12 =