20

NOVEMBER 2021

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Honeylet Venisse A. Velves & Written by Honeylet Venisse A. Velves

Pagkat ang PANGINOONG Yahweh, pag-asa at sanggalang, kami’y pinagpapala mo sa pag-ibig mo at dangal. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Mga Awit 84:11

May isang dalagang magdiriwang ng kanyang 18th birthday. At gaya ng ibang debutante, naghangad siyang magkaroon ng party sa kabila ng kanilang kakapusan sa buhay. So she prayed for it. Sa paglapit ng kanyang kaarawan, mukhang tight pa rin ang budget nila. Kinabahan siya na baka hindi matupad ito, kaya naman nagpalit siya ng panalangin. Humingi na lang siya sa Diyos ng mumurahing pink na cellphone. Lumipas ang mga araw ngunit kapos pa rin sila. Minsan pa, binago niya ang kanyang prayer at humingi ng pink rubber shoes sa pag-asang mas madali itong makamit. Tanging siya at si God lang ang nakakaalam ng kanyang mga naging kahilingan. Sa araw ng kanyang kaarawan, may mga taong nag-ambag para magkaroon siya ng munting salo-salo. Natupad pa rin ang pangarap niyang party. At bagama’t imposible para sa kanya, natanggap din niya ang inaasam na pink cellphone at pink rubber shoes.

May mga pagkakataon na mukhang ganito yata tayo humingi sa Diyos. Minsan, iniisip natin na masyado yatang maluho ang hinihingi natin kaya nagdadalawang-isip tayo kung itutuloy ang paghingi. O kaya naman, pinapalitan natin ang ating prayer when we see that it is humanly impossible to happen. Mabuti na lang, hindi K.J. (kill joy) si God!

Isipin natin na kung ang mga ibon nga ay hindi pinapabayaan ng Diyos, tayo pa kayang mga anak Niya (Mateo 6:26)? Alalahanin natin na God takes delight whenever we ask him for something dahil gusto Niyang ipagkaloob ang ating mga pangangailangan, maging ang mga bagay na nakakapagpasaya sa atin basta’t hindi nakakasama. Hindi siya nagkakait ng mabuting mga bagay sa sinumang ang gawain ay matuwid at marangal.

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, salamat po dahil napakabuti Ninyong Diyos sa akin. Hindi Kayo killjoy. Inilalapit ko po sa Inyo ang lahat ng concerns ko for this day at naniniwala ako na You are in control of everything. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Isulat ang Mga Awit 84:11 at sa ibaba nito ay idikit ang mga pictures ng mga gusto mong hilingin kay Lord gaano man ito ka-imposible. Believe that God is good and expect Him to bless you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

10 + 5 =