13
JANUARY 2022
A Prayer of the Afflicted
Katulad ko’y damong natuyo sa parang, pati sa pagkai’y di ako ganahan. Kung ako’y tumaghoy ay ubod nang lakas, yaring katawan ko’y buto na at balat. Tulad ko’y mailap na ibon sa ilang, para akong kuwago sa dakong mapanglaw; ang aking katulad sa hindi pagtulog, ibon sa bubungang palaging malungkot.
Awit 102:4–7
Ang Psalm 102 ay ini-introduce bilang “A prayer of the afflicted” sa mga iba’t ibang translations ng Bible. Ang simpleng definition ng afflicted ay ang pagiging affected or troubled — o nababagabag — dahil sa mabigat na problema o sakit. Binabasa din itong psalm na ito ng mga Hudyo sa panahon ng communal or community crisis.
Dahil dito, it’s good to reflect on Psalm 102 today. Sa panahon ngayon, dahil sa problema sa pandemya, ekonomiya, at iba pang nangyayari sa mga buhay-buhay natin, feeling ko lahat tayo naranasan ang maging “afflicted.” Minsan — lalo na kapag naririnig natin ang mga balita — parang nasa gitna tayo ng never-ending community crisis. Ano ang pwede nating maging response — bilang indibidwal o parte ng community? Tingnan natin ang nakasulat sa Psalm 102.
Una, lumapit tayo sa Panginoon at umiyak tayo sa Kanya (vv. 1–11). Sabihin natin ang nararamdaman natin. Tulad ng psalmist, may time ba sa iyong buhay na naisip mo, “Katulad ko’y damong natuyo sa parang, pati sa pagkai’y di ako ganahan. Kung ako’y tumaghoy ay ubod nang lakas, yaring katawan ko’y buto na at balat” (vv. 4–5)? Be honest with the Lord. Tell Him your situation — sa iyong personal life, family, at community. Pwede rin natin i-share ang ating nararamdaman sa close friends o pamilya, lalo na kung sila rin ay may pinagdadaanan, so that we can approach the Lord together with them.
Pangalawa, tandaan natin na ang Panginoon natin ay walang hanggan (v. 12). Hindi Niya tayo iiwanan. Ang concerns natin ay mawawala at lilipas din balang araw. Pero ang Panginoon at ang Kanyang pag-ibig ay mananatili hanggang sa dulo ng mundo. Isang araw, makakasama natin Siya at mamumuhay tayong panatag ang loob (v. 28).
LET’S PRAY
Lord, nababagabag po ako. Ang dami kong worries at iniisip. Please hear my prayers and do not hide Your face from me. I find my strength in Your promises and presence.
APPLICATION
May friend or family member ka ba ngayon na “afflicted” — dahil sa problema o sakit? Samahan mo siya at sabay ninyo basahin ang Psalm 102 bago mag-pray.