3
FEBRUARY 2022
Plantitos and Plantitas Should Know
Ang puso ng tao ang nagpapanukala ng kanyang daan, ngunit ang Panginoon ang nangangasiwa ng kanyang mga hakbang.
Mga Kawikaan 16:9 (Ang Biblia, 2001)
Years from now, kapag napagkwentuhan ang COVID-19 pandemic, malamang, kasama sa usapan ang lockdowns at ang mga pinagkaabalahan natin noon to help pass time: ang paggawa ng dalgona coffee, pag-binge watch sa streaming services, at syempre, ang pagdami ng mga plantito at plantita. Parang overnight, puro dahon at bulaklak ang naging laman ng feeds natin sa social media.
Madaling maintindihan kung bakit. Alam ba ninyong may tinatawag na plant therapy? Ito ay ang pag-aalaga ng mga halaman para labanan ang depression, anxiety, at iba pang mental health issues. Pwede kasing iconsider ito bilang exercise, kaya nagpapataas ito ng serotonin at dopamine — ang “happy hormones” ng brain. May calming effect naman ang paggawa ng repetitive tasks tulad ng pagtatanggal ng mga ligaw na damo, pagtrim ng mga tanim, at ang pagdidilig ng mga halaman.
Pero may isa pang dahilan kung bakit therapeutic ang pag-aalaga ng mga halaman: it can give a person a sense of control. You decide kung ano ang mga halaman na ilalagay sa garden o koleksyon mo, kung saan ipoposisyon ang mga ito, at pati ang laki at shape ng mga ito, ikaw ang magmamando. Sa panahon ng pandemya kung kailan we felt helpless and lost, this was something that gave a lot of us a measure of control and comfort.
Many of us are planners and not just planters. Nilalatag natin ang mga goals natin at ginagawan natin ng strategy kung paano marating ang mga ito. Pakiramdam natin, if we work hard enough, we can make anything happen. The pandemic showed us that we’re not in control. Sa pag-aadjust natin sa new normal, some of us must have felt na kailangang makabawi, kaya dapat na mag-double effort para makabalik sa pagpupursigi sa goals and plans natin. Then and now, ipinipilit nating makarating sa gusto nating puntahan. We do this just to feel na we are in control of our own lives again.
Ang mindset na ito ang dahilan kaya importanteng isapuso natin ang nakasaad sa Mga Kawikaan 16:9. Kailangan nating matandaan na si Lord ang tunay na in control, at ang mga plano Niya ang mananaig. Sa ganitong paraan, makakaiwas tayo sa frustration at hopelessness kung hindi mangyari ang gusto natin. Only then will we discover true security that we can only have in Him.
LET’S PRAY
Lord, pinipili kong magtiwala sa Inyo. Kayo na po ang bahala sa buhay ko. Gabayan at alagaan Ninyo po ako.
APPLICATION
Ilista ang tatlong top goals na naantala dahil sa pandemya. Prayerfully ask for God’s leading kung dapat bang ipursue pa rin ang goals na ito o maghintay na ireveal Niya ang bago Niyang pinaplano para sa iyo.