19
AUGUST 2022
Ambiguous Loss, Part 1
Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa.
Awit 34:18
Bakit ganun Lord? Bakit parang may nawala sa akin? Napapaisip ka. OK ka naman, kung tutuusin. May trabaho ka, at wala kang sakit o gumaling ka na. Andiyan ang mga mahal mo sa buhay.
Maaaring ang nararamdaman mo ay “ambiguous loss.” Ito ay loss na hindi simple. Ito yung loss ng something intangible sa buhay mo. Dalawang klase ito: physical at psychological.
Ang physical type ng loss na ito ay nararanasan kapag may nawala physically, pero mentally, hindi ka maka-move on. For example, presumed dead ang isang mahal sa buhay, ngunit walang nahanap na katawan. O kapag iniwan ka ng iyong asawa, ngunit legally married pa rin kayo. Wala kang closure.
Ang psychological type ng loss na ito ay nangyayari kapag, halimbawa, ang iyong loved one ay physically present pero mentally absent—nasa coma, may dementia, atbp.
Extreme examples ito, ngunit ang ambiguous loss ay mararamdaman din sa ibang paraan. Ikaw ba ay dating nagtatrabaho sa office pero ngayon ay working from home, isolated, at nag-iisa? Dati ka bang pumapasok sa school—sa actual classroom, kasama ang iyong mga kaibigan—ngunit ngayon ay abala sa online classes at halos zombie ka na sa kakatitig sa screen?
Merong nawala sa iyo na hindi mo maipaliwanag: yung daily routine na nakasanayan mo, yung buhay mo dati, o kung ano pa. You know you lost something.
Yung nawala sa iyo, kahit hindi mo ito ma-explain, totoo iyon. Your grief is valid. Nakikita ni Lord ang iyong loss at nauunawaan ka Niya. Ambiguous loss reminds us na maraming hindi tiyak sa buhay. In a world filled with variables, only God’s love is constant.
LET’S PRAY
Father, my peace lies not in the hope for better days ahead but in my hope in Christ. My comfort comes not from the closure I am expecting, but from the assurance of Your love.
APPLICATION
Are you experiencing ambiguous loss? The world we knew pre-pandemic may be gone, but the Lord still sustains us. Isulat ang tatlong bagay na you’re grateful for today, kahit maliit lang. Remember: There is still something good even on bad days.