23

JUNE 2022

Kamusta Ang Puso Mo?

by | 202206, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Prexy Calvario

“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”

Mateo 5:8

Marami nang kanta ang naisulat tungkol sa puso. May kantang pag-aalay ng puso sa isang minamahal o sana dalawa ang puso para hindi na mamili pa. Meron namang tungkol sa pusong bato at pusong sawi. Please be careful with my heart or unbreak my heart. And the list goes on. Pero ano nga ba ang meron sa puso natin na kailangan pag-ingatan?

Sabi sa Mga Kawikaan 4:23, “Ang puso mo’y ingatang mabuti at alagaan, pagkat iyan ang siyang bukal ng buhay mong tinataglay.” Our heart represents our being. And because of man’s sinful nature, our heart is deceitful (Jeremiah 17:9) and knows evil (Mark 7:21–23). Imagine, kung ang puso mismo natin ay makasalanan, paano pa tayo magiging malinis sa harap ng Diyos? At kung ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Romans 6:23), our heart is not just an achy breaky heart nor broken but a dead one. Worst of all, we would not see God.

Kaya “mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.” Ang malinis na puso ay ang pusong nilinis (Psalm 51:10) at binago ng Panginoon (Ezekiel 36:26). And we cannot cleanse our hearts on our own. Ang may malinis na puso ay naniniwala sa perfect work of Christ (Romans 10:10) and keeps itself pure (1 John 1:9). A pure heart lives for God alone, to seek, know, love, worship, enjoy, and glorify Him. Kaya naman ang may malinis na puso ang makakikita sa Diyos. Makikita niya ang Diyos sa araw-araw niyang pamumuhay. Makikita niya ang Diyos sa kanyang gawain, sa mga taong nakakasalamuha niya, at sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. A pure heart will see God in everything because for him/her God is everything. And in the end, a pure heart will be with Christ forever (1 John 3:2). So how are you keeping your heart pure today?

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Panginoon, thank You because You cleansed my heart when I accepted Jesus as Lord and Savior. Tulungan po Ninyo ako, through the help of the Holy Spirit, na patuloy na sikaping malinis ang aking puso at mamuhay nang naaayon sa kalooban at Salita Ninyo.

APPLICATION

Meditate on Matthew 5:8 and ask God to reveal to you the things that hinder you from having a pure heart and seeing Him in your everyday activities.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 3 =