30

APRIL 2022

Ang Antidote sa SepAnx

by | 202204, Devotionals

Share with family and friends
Narrated by Erick Totanes & Written by Lucille Ocampo-Talusan

“Mula sa isang tao’y nilikha Niya ang lahat ng lahi sa buong mundo. Itinakda Niya sa simula’t simula pa ang kani-kanilang panahon at hangganan. Ginawa Niya iyon upang hanapin nila ang Diyos; baka sakaling sa kanilang paghahanap, Siya ay matagpuan nila. Ang totoo, hindi naman Siya talagang malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat hawak Niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao.”

Mga Gawa 17:26-28

“SepAnx” o Separation Anxiety — naranasan mo na ba ito? Ito ay ang pagkabalisa dahil nawalay ka sa taong lagi mong kasama. Marahil ay madalas itong nararamdaman ng mga OFWs kapag nasa ibang bansa na sila. Very common din ma-sepanx ang mga magulang kapag magsasarili na ang anak. Ang dami kasing mga pag-aalala or “what if’s” na sumasagi sa kanilang isipan. Normal lang naman ang maramdaman ito pero dapat may control tayo. Ayon sa mga eksperto, delikado na mauwi ito sa isang disorder kapag extreme na ang separation anxiety.

Huwag na hintayin pang maging disorder ang separation anxiety. Mabisang antidote para dito ang sinasabi sa Acts 17:26. God is the one who ordains everything, including the times and the places where we should be. Basta’t pinagpray natin at may assurance tayo that we are at the center of God’s will — as long as pinagpray mo ang anak mo, magulang mo o ang taong mahal mo and you have the assurance that they are at the center of God’s will — then we can have peace because it is God who brought him or her to that place. Kung tayo naman ang nawalay o kinailangang mag-relocate, it is God who ordained us to be in that exact place and in that exact season of our lives.

At lalo pa tayong mapapanatag dahil ginawa ito ng Diyos upang hanapin Siya for His purposes to be fulfilled. Kung nasaan man ang mga mahal natin sa buhay, alam nating doon sila kakatagpuin ng Diyos. “Hindi naman Siya malayo sa bawat isa sa atin; sapagkat hawak Niya ang ating buhay, pagkilos at pagkatao” (Mga Gawa 17:28).

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Father God, I entrust to You my loved ones who now live far away from me. I don’t see them but You see them wherever they are. Replace my fears with the confidence of knowing You are taking care of them. Would You guide them for Your purposes to be fulfilled in their lives? In the same way, Lord, please guide me where I am right now in this season of my life.

APPLICATION

Choose a day when you will pray for family and friends who now live far away from you. Make it a habit to ask them regularly for updates and prayer requests.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

13 + 13 =