22
JUNE 2023
Ang Biyudang Mahirap
Welcome back to the last part of our series “Si Jesus at ang Mga Babae.” Nabago ang buhay ng babae sa balon at ng babaeng nangalunya nang makatagpo nila si Jesus. Kilalanin naman natin ngayon ang biyudang maaaring makapagpabago sa ating mga puso pagdating sa pagkakaloob.
Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng biyudang iyon, bagama’t siya’y mahirap, ay ang buo niyang ikinabubuhay.
Marcos 12:44
Maraming tao ang may patong-patong na Judith at Jona ― mga bills na due date or due na. At dahil walang-wala, ang choice nila ay magmukmok at tanggapin na lang ang estado nila sa buhay. Sa kabilang banda, meron din namang kahit gipit ay nagagawa pa ring tumulong sa iba o mag-donate. Sino sa kanila ang katulad mo?
Sa Marcos 12:41–44, pinagmamasdan ni Jesus kung paano magkaloob ng salapi ang mga tao sa Templo. Maraming mayayaman ang naghulog ng malalaking halaga sa kaban, pero may lumapit ding isang biyuda na naghulog ng dalawang tigsisingkwenta sentimo. Maliit na halaga. Ginamit ni Jesus ang pagkakataong iyon para ipakita sa mga alagad Niya ang dalawang uri ng givers.
First, there are those who are rich and give extravagantly. But even if they give much, they will still have plenty. The second kind of giver is exemplified by the poor widow who gave her last two coins. Pareho silang nagbigay, pero sino sa kanila ang nagbigay ng tunay na mas malaking halaga? Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sinasabi ko sa inyo, ang inihandog ng biyudang iyon ay higit na marami kaysa sa inihulog nilang lahat. Sapagkat ang lahat ay nagkaloob ng bahagi lamang ng kanilang kayamanan, ngunit ang ibinigay ng biyudang iyon, bagama’t siya’y mahirap, ay ang buo niyang ikinabubuhay” (vv. 43–44). This means nothing was left for her needs.
The poor widow’s example of giving is an issue of the heart. Walang maliit na halaga sa pagbibigay sa Panginoon. True giving is selfless and may, at times, even require sacrifice. Which of the two givers is more like you? Nakakapagbibigay ka ba dahil may excess ka or dahil nature mo na ang pagiging mapagbigay?
Bawat isa sa atin, babae man o lalaki, ay mahalaga kay Jesus. Hayaan nating baguhin Niya ang ating mga puso at buhay. Tune in again tomorrow for another life-changing message from the Word of God!
LET’S PRAY
Lord, nakikita Ninyo tuwing nagbibigay ako. I surrender to You my heart, maging sa area ng pagbibigay. Thank You for blessing me and reminding me that what matters is my willingness to give, even if at times, I have to give all. Guide me always on how much to give.
APPLICATION
Give proportionately according to your desire and conviction. Also, consider supporting the ministries of CBN Asia. Remember that when you give to God, it will come back to you nang siksik, liglig, at umaapaw.