11
MARCH 2025
Guilty Ka rin Ba?

Mahalaga para sa Diyos ang pagsasabi ng totoo. Pakinggan natin ang second to the last part of our series “Hate ni Lord ‘Yan.”
Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa’y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin.
Mga Kawikaan 6:16–19
Imagine yourself spending seven years in jail for a crime you didn’t commit. Dahil powerful na tao ang nag-accuse sa iyo at hawak niya sa leeg ang judge, napalusot sa korte ang witnesses na nagsinungaling laban sa iyo. Natalo ka sa kaso at nakulong. Nahiwalay ka sa pamilya. At nasira ang reputasyon mo na matagal mong iningatan. Sounds familiar? Totoong kuwento kasi ito.
Maraming buhay ang nasira dahil sa mga saksing sinungaling. May mga nakulong, napatalsik sa trabaho, natanggalan ng scholarship, napaalis sa tirahan, nilayuan ng kaibigan, iniwan ng asawa. Just because someone lied about them with conviction and others believed the lie.
Those who bear false witness against their neighbor are breaking one of the Ten Commandments. Inutos ng Diyos na “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa” (Exodo 20:16). Although stated in courtroom language, maaaring i-apply ang utos na ito sa maraming sitwasyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay.
When you say or do anything that misrepresents someone else, you are bearing false witness against the person. How about politicians resorting to negative campaigning to win an election? Gossip columns or social media posts maligning public personalities? Or, sa kapihan ng mga “Maritess” na makakati ang dila kapag mga intriga tungkol sa iba ang pinagkukuwentuhan? If we are being honest, may occasions na maaaring guilty din tayo nito.
Paraphrasing theologian Walter Brueggemann, he gives this insight to Christians: Hindi dapat tayo nakikisali o tino-tolerate ang kahit na anong conversation where the person being slandered or accused is not present to defend himself. Sabi pa niya, “It is wrong to pass hearsay in any form, even as prayer requests or pastoral concerns.” Instead of taking part in it, the Christian’s response is to stop rumors and those spreading rumors.
This week, we pray that you’ll be a good witness to the goodness of God and that you will join us again tomorrow para sa last part ng ating series “Hate ni Lord ‘Yan.”
LET’S PRAY
Lord, forgive me for the times na guilty ako for bearing false witness against someone. Tulungan Mo po akong umiwas sa mga usapang mapanira sa ibang tao, face-to-face man ito or online.
APPLICATION
May kakilala ka ba who was falsely accused or naging victim ng tsismis? Reach out and assure that person that you believe in him or her.
SHARE THIS QUOTE
