26
MAY 2022
Ang Utang ay Dapat Bayaran
Anumang hiramin ng taong masama, di na ibabalik sa kanyang kapwa, ngunit ang matuwid na puso’y dakila, ang palad ay bukás at may pang-unawa.
Awit 37:21
Kahit meron kang trabaho, savings, at emergency fund, marami pa ring pwedeng mangyari that can suddenly deplete your resources. Nandiyan ang medical emergencies, business closures, family obligations, at sari-saring scams. Kaya maraming walang choice kung hindi mangutang minsan sa mga kapamilya, kaibigan, o bangko. Ano ba ang obligation natin bilang believers pagdating sa mga utang?
Sa pag-utang, nagkakaroon ng contract ang lender at borrower. Kapag nangutang ka sa bangko, ang contract at conditions ay documented at signed ng both parties. Ngunit sa isang informal na usapan, tulad ng paghiram ng pera sa kamag-anak o officemate, usually verbal lang ang agreement, lalo na kung maliit na amount lang. Kaya maraming nagkakaroon ng problems kapag singilan na dahil ang hirap habulin kung verbal contract lamang. Ngunit ang isang follower ni Jesus ay dapat tumupad sa kasunduan, dahil ito ang tama sa harap ni Lord at ng mga tao (2 Mga Taga-Corinto 8:21). Kapag hindi natin tinupad ang ating pangako, nagiging sinungaling tayo, at iyan ay abomination kay Lord (Mga Kawikaan 12:22). Sa kabilang banda, nade-delight ang Diyos kapag ang tao ay tapat.
Sa wastong pagbabayad ng utang, maipapakita natin ang integrity na dulot ng obedience kay Lord, at na glo-glorify Siya (Mateo 5:16). Kaya pagsikapan nating maibalik ang ating hiniram na pera kaninuman, maliit man o malaki, nang ayon sa napagkasunduan. Dapat nating maging way of life ang integrity (Mga Kawikaan 11:3).
LET’S PRAY
Lord, help me pay my debts. Help me have integrity in my words and actions.
APPLICATION
Ikaw ba ay nagbabayad ng utang ayon sa napag-usapan? Mahalaga ba sa iyong mabayaran ang kahit maliit na utang lamang?