27
MAY 2022
Never Too Poor to Give Cheerfully
Ang bawat isa’y dapat magbigay ayon sa sariling pasya, maluwag sa loob at di napipilitan lamang sapagkat iniibig ng Diyos ang kusang nagbibigay nang may kagalakan.
2 Mga Taga-Corinto 9:7
Anong gagawin mo kung isang araw, may kumatok na kapitbahay sa inyo asking a favor? Humihingi siya ng bigas. The problem is, ‘yun na rin ang last mong isasaing for your family. Ibibigay mo ba?
God loves a cheerful giver. Easier said than done lalo na kapag ikaw mismo ay nangangailangan. As the millennial saying goes, how to be you po? How can we give cheerfully even when we are in need?
We can be cheerful givers because God is a cheerful giver. Hindi naging madamot ang Diyos sa atin. He sent Jesus who took the form of a man upang tayo ay mailigtas sa kasalanan. And Jesus did it without grumbling. No regrets, no doubts. Una Niyang ibinigay ang Kanyang buhay bilang tanda ng Kanyang pag-ibig sa atin. And if we are one with Christ, makakaasa tayo sa Kanyang grace to enable us to give cheerfully (2 Mga Taga-Corinto 8:9). Kasama ang pagbibigay nang may galak sa mabuting plano ng Diyos sa atin. You are never too poor to give dahil maaari kang magbigay sa iba’t ibang paraan.
Kadalasan, pag-aalala ang pumipigil sa atin para magbigay ng taos-puso sa iba. Natatakot tayo na kapag nagbigay tayo, mauubusan at mawawalan tayo. But we have a rich and reliable God who is able to bless us (2 Mga Taga-Corinto 9:8). Huwag mong ipagkait sa iyong sarili ang kagalakang ibibigay ng Diyos whenever you give cheerfully.
LET’S PRAY
Lord, gusto kong maranasan ang joy tuwing magbibigay ako sa iba. Gusto kong makapagbigay pa rin sa kabila ng aking kakulangan dahil gusto ko ring maranasan ang pagpapalang mula sa Inyo. Higit sa lahat, gusto kong tayuan ang sinabi Ninyo na ako’y nilikha upang gumawa ng mabuti. Mamumuhay ako sa pamamagitan ng biyaya Ninyo. Amen.
APPLICATION
Pray for people you know who are in need. List down the things that you can do or give para tulungan sila kahit wala kang pera. Be excited about how the Lord will use these to bless others.