25
MAY 2022
Loving God with Our Money
Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.
Mateo 6:21
Napakalaking discussion sa mga Kristiyano ang pera at ang role nito sa Christian living. Bilang medium of exchange, isa itong necessity sa buhay ng lahat. Kailangan natin ng pera sa pagbili ng basic necessities tulad ng pagkain, damit, cellphone load, at gamot. Kailangan din natin itong pambayad sa kuryente, tubig, Internet, at fees sa school at hospital. Kabisado nating gamitin ang pera sa pang-araw-araw na needs, ngunit paano natin ito gagamitin upang mahalin si Lord?
Sa Genesis 4:4, inihandog ni Abel ang best portions ng kanyang flock kay Lord, na ikinasiya Niya. Makikita natin dito na priority ni Abel ang offering niya sa Diyos. Sa modern times kung saan ang karamihan ay kumikita ng pera sa halip na harvest o flock ng tupa, ang equivalent ng ginawa ni Abel ay ang pag-prioritize natin kay Lord sa ating expenditures. Tulad na lamang ng pag-una natin sa needs at gifts ng mga taong mahal natin, maipapakita natin ang pagmamahal kay Lord kapag inuuna natin ang mga bagay na inutos Niya tulad ng tithes, offering, at giving. Maipapakita natin kung gaano tayo ka-determined to honor God kung priority natin Siya kahit na kapos ang sweldo at marami ang bayarin.
Mahalaga ang pera, ngunit ito’y isa lamang convenience sa buhay. Gamitin natin ito to show our love for God and others. Gastusin natin ang pera para sa ating everyday needs ngunit huwag natin itong mahalin (1 Timoteo 6:10), at huwag natin itong gawing panginoon (Mateo 6:24). Sa ganitong paraan, maiiwasan nating maging karibal ni Lord ang pera sa ating buhay; instead ay gamitin natin ito para i-honor Siya. Siya ang dapat nating unahing mahalin. Siya lamang ang ating Panginoon at tunay na kayamanan.
LET’S PRAY
Lord, kahit na minsan ay mahirap, tulungan mo akong maging faithful sa Inyo pagdating sa pera. Help me love You with my money.
APPLICATION
Madali ba sa iyo na i-prioritize si Lord pagdating sa budget? Sa susunod na sahod, i-prioritize si Lord sa pagbibigay.