3

JANUARY 2025

Ano Na’ng Plano?

by | 202501, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Mari Kaimo & Written by Joshene Bersales

 Natatakot ka ba sa maaaring mangyari sa taong ito? Pakinggan mo ang mensahe ngayon sa ating series na “Anong Plano Mo sa Bagong Taon?”

Ang isang tao’y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig.

Mga Kawikaan 19:21

May nag-viral na kanta tungkol sa isang kabataan na kakapasok pa lang ng college. Dalawang araw pa lang since start ng school year, pero sobrang overwhelmed na siya — sa classes na dapat attendan, activities na gustong gawin, tulog na dapat habulin. Ang kanyang wish? Sana maging malinaw na kung ano ba talaga ang mangyayari sa kanyang future.

Ito rin ba ang theme song ng buhay mo lately? Ang daming kailangang gawin, hindi mo na tuloy alam kung ano’ng uunahin. Parang lahat ng sinimulan mo, pumapalpak. Lahat ng dreams, panaginip na lang talaga. Kahit anong plano ang gawin mo, nothing ever goes your way.

Hinga muna nang malalim, kaibigan. Balikan ang sinabi ni King Solomon, ang wisest king ng Israel. “Maraming pinaplano ang tao, pero yung gusto ni Lord ang mangyayari” (Pinoy version). Kung plans naman pala ni Lord ang mananaig, bakit kailangan natin ma-stress for the future? Hindi ba’t mas magandang ipagkatiwala na lang natin sa Kanya ang ating bukas?

Paalala rin sa atin ni Jesus sa Mateo 6, na alam na ng Ama natin sa langit ang mga kailangan natin. At kung uunahin natin ang pagsunod sa kalooban Niya, for sure na ibibigay Niya ang lahat ng needs natin in His perfect time. 

Natural lang na makaramdam ng takot para sa future natin. Pero tandaan na sa bawat kaba natin para sa ating kinabukasan, may katapat itong promise ni Lord. At kung panghahawakan natin ang mga pangakong ito, mas magiging madali para sa atin na mag-look forward sa ating future.

Dahil kasama natin ang Panginoon na may magandang plano para sa atin, hindi tayo dapat matakot. May mga hamon man tayong kakaharapin, tiyak lagi Siyang sasaatin. At sana rin, patuloy ninyo kaming samahan bukas para sa isa na namang makabuluhang mensahe mula sa Salita ng Diyos!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Lord, palaging perfect ang plan Ninyo para sa akin. Tulungan Ninyo po akong huwag ma-stress about my future at magtiwala sa Inyo instead. In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Ilista ang plans mo for the next three to five years. Then ask God na i-reveal sa iyo ang Kanyang plans by regularly praying to Him and reading His Word. Maging handa na magbago ang iyong plans para sundin ang plans Niya para sa buhay mo.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 10 =