30

JANUARY 2022

Anong Kyrptonite Mo?

by | 202201, Devotionals, Salvation, Security

Share with family and friends
Narrated by Alex Tinsay & Written by Thelma A. Alngog

Kaya nga, magsisi kayo at magbalik-loob sa Diyos upang patawarin kayo sa inyong mga kasalanan.

Mga Gawa 3:19

In one of the old Superman movies, may eksena na isinuot ni Lex Luthor kay Superman ang kwintas na may kryptonite. Dahil dito, nanghina siya. Since this movie, kryptonite became synonymous with anything that saps a person’s strength. Narealize natin na even a superhero can have a weakness.

May kryptonite din ba ang mga Bible heroes? Consider Samson. Aba, may tatalo pa ba sa mala-pandesal na muscles at flowing hair niya? Pambihira talaga ang kanyang lakas pero ang naging kryptonite niya ay isang babae, si Delilah (Judges 16:1). When Delilah discovered the secret of Samson’s strength, she shaved off the seven braids of his hair. Dahil dito, his strength left him (Judges 1:19). But he experienced redemption. Before his death, he prayed to God to let him die with the Philistines. At nangyari nga ito.

Si King David naman, habang nagpapahinga sa palasyo, ay napa-wow sa angking ganda ni Bathsheba. Gaya ni Samson, babae rin ang naging kryptonite niya at nahulog siya sa bitag ng panunukso ng laman. Mula sa adultery ay nauwi sa murder ang kasalanan ni David dahil siya ang naging mastermind ng pagkamatay ni Urias na asawa ni Bathsheba. Pero paano kaya naituwid ni David ang kanyang mga pagkakamali? He turned to God, repented, and fasted and prayed.

May lalaki naman na nagsabing same-sex attraction ang kryptonite niya. Ang sabi niya, “Nasa elementary pa lang ako when I felt that I was a female trapped in a male body. Ang totoo, I was trapped by the enemy at naging makasalanan.” The good news is he eventually realized his sinfulness and completely surrendered his life to God.

Ikaw, may bisyo ka ba o kahinaan na gustong baguhin? Tanging ang Diyos lamang ang may kakayahang baguhin ang iyong buhay. Don’t feel defeated by your kryptonite. God can turn your weakness into strength.

Share this encouraging page to family and friends.

LET’S PRAY

Lord, thank You po sa Inyong walang hanggang pagmamahal, pagtanggap, at pagpapatawad sa lahat ng aming kasalanan. Thank You, Jesus, for dying on the cross for all my sins. In the face of my weaknesses, be my strength, In Jesus’ name, Amen.

APPLICATION

Alamin ang areas of weaknesses mo. How do you deliberately or subconsciously disobey God? Continue to pray with other believers as you ask God to help you overcome your weaknesses. Join a Bible study or prayer group near you.

SHARE THIS MEME

CAN WE PRAY FOR YOU?

2 + 15 =