31
JANUARY 2022
Epic Failure Ka Ba?
Tandaan ninyo ito: “maaaring patawarin ang tao sa lahat ng kanyang kasalanan at paglapastangan, ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran, sapagkat ito ay walang hanggang kasalanan.” Sinabi ito ni Jesus sapagkat sinasabi ng mga tao na siya’y sinasapian ng masamang espiritu.
Marcos 3:28-30
Nakagawa ka na ba ng kasalanan na sa tingin mo ay wala nang kapatawaran? Nakapatay ka na ba? Nanira ka na ba ng pamilya? Nanloko ka ba para magkapera? Ang tingin mo ba sa sarili mo ay ikaw na ang pinakamasamang tao sa buong mundo? Ito ang totoo: kasinungalingan ‘yan!
Hindi naman sa minamaliit ko kung ano man ang kasalanan na nagawa mo pero si Jesus na mismo ang nagsabi sa verse natin today, “Truly I [Jesus] tell you, people can be forgiven all their sins and every slander they utter…” Tama ang nabasa mo at hindi iyan joke. Naalala mo ba si King David nung nagcommit siya ng adultery with Bathsheba at pinapatay nya ang asawa nito na si Uriah? Kahit na matindi ang kasalanan ni David, in the end, ni-restore pa rin siya ni God!
Maaaring ang pakiramdam mo ngayon ay isa kang epic failure sa harap ni God. Pero i-consider mo kung ano ang sinabi ni Apostle Paul sa Mga Taga-Roma 5:8, “Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.” Ibig sabihin, hindi mo pa kilala si Jesus ay tinubos na Niya ang LAHAT (All caps para intense!) ng kasalanan mo. Epic man or hindi ang mga naging kasalanan mo, ang mahalaga, tinubos ka na Niya. He paid for your sins. Ang kailangan mo lamang gawin ay magkaroon ng personal na relationship sa Kanya.
So don’t lose heart. Ano man ang kasalanan na nagawa mo, patatawarin ka ni God sa pangalan ni Jesus. Lumapit ka lamang sa Kanya at buong puso mong talikuran ang mga kasalanan mo.
LET’S PRAY
Lord Jesus, lumalapit po ako sa Inyo ngayon at humihingi ng tawad sa mga kasalanan na nagawa ko. Salamat sa mga Salita Mo na nangako na kapag lumapit ako sa Iyo at sabihin ang aking kasalanan, patatawarin Mo po ako, gaano man ka-epic iyun.
APPLICATION
Nagkasala ka ba sa isang tao? I-try mo siyang kontakin at aminin ang pagkakamali at humingi ng tawad. Nakasira ka ba ng isang bagay? Umamin ka na sa may-ari. Mauna ka nang magsabi kaysa sa manggaling pa sa iba. Maniwala ka, majority sa kanila, patatawarin ka.