20

DECEMBER 2023

Ansabe ni Marites?

by | 202312, Devotionals

Share with family and friends
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]
Narrated by Miriam Quiambao-Roberto & Written by Aliya L. Parayno

Christmas will never be complete without the story of the virgin birth of Jesus. Welcome to our series “Christmas: It’s About Jesus”.

Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.

Isaias 7:14

Sa Pinoy slang these days, tinatawag na Marites ang mga tsismosa. Sila ang mga unang nagpapakalat ng balita, totoo man ito o hindi. Nai-imagine mo ba kung kumusta ang mga Marites ng Nazareth nang malaman nilang nagdadalantao si Maria kahit hindi pa ito kasal kay Joseph? Tingin ko nga’y naisip din ni Maria ang sasabihin ng mga Marites noong sabihin ni Archangel Gabriel na ipagbubuntis niya ang sanggol na magiging Messiah. Bilang isang gentleman, bagaman nagsi-sink in pa lang din sa isip ni Joseph ang mind-boggling announcement ng anghel, gusto rin niyang protektahan ang reputation ng kasintahang si Maria (Matthew 1:19). If we are to make a movie scene about what happened, siguradong maraming masasabi ang mga Marites!

Tunay ngang kahit saan ka magpunta, kahit anong kultura, public opinion will always be present. And sometimes, these opinions are not only unsolicited; they are also damaging. But what’s amazing about this important event in the Bible ay isinantabi ng Diyos ang kung ano ang biologically normal. A virgin birth is not something even the most awarded OB-GYNE and scientist can ever explain. Ang totoo, no one can dare explain it because it is the Lord who made it happen. At kapag ang Diyos ang gumawa, walang sinuman, biologist man o ang mga Marites, ang may karapatang kwestuyinin kung paano Niya ito nagawa, o tumanggi na ito ay nangyari. 

God is truly amazing! His ways are higher than our ways (Isaiah 55:9) and what is impossible with man is possible with God (Matthew 19:26), gaya ng naging pagdadalantao ni Maria. At lalo na ngayong Pasko, ang pagsilang ng sanggol na Mesiyas ang magandang balitang dapat ipakalat ng mga Marites!

Ang inihula noon ng mga propeta na kapanganakan ni Jesus ay naganap na, sa kamangha-manghang paraan. God truly deserves our praise and adoration! Kita-kits tayo uli bukas!

Share this encouraging page to family and friends.
[addthis tool="addthis_inline_share_toolbox"]

LET’S PRAY

Dear God, year after year, I am in awe of the circumstances You have chosen for the birth of your Son. I pray that this be a reminder for us that with You nothing is impossible, and we are not to lean on our own understanding.

APPLICATION

How can you creatively share with others the circumstances of the birth of Jesus the Messiah? Pag-isipan at ikalat mo ang magandang balitang ito.

SHARE THIS QUOTE

CAN WE PRAY FOR YOU?

4 + 3 =